Cafeteria

29K 867 33
                                    

Natapos ang laban nina Charles at Hesly around one o'clock. Paglabas na paglabas nila ng illusion ay nagbabangayan pa 'rin ang dalawa dahil nang gulang 'raw si Charles.

"Ikaw itong gago na sabi mo time out! Tapos bigla kang umatake?!", bulyaw ni Hesly dito.

"Sino ba naman kasi ang nagsabing maniwala ka saakin? Ano ka tanga?", bored na tanong ni Charles at sinusundot-sundot pa ang kaniyang ilong. Ew.

"Aminin mo na, you're just a cheater.", pangaaway dito ni Hesly.

"And you're just a Dummy that isn't as graceful as mother nature is.", binelatan pa ito ni Charles.

I'm really impressed. They both know how to use their powers and they have the knowledge at fighting in combat. Ganito pala ang lakas ng isang member ng Dexra Evenfall.

"Enough with your complainments. Who ever wins, wins.", saad ni Nathan na halatang naiirita na sa bangayan ng dalawa.

"Yuhoo! Guys, tara sa cafeteria.", maligayang saad ni Lorraine.

Nagsitanguan naman sila marahil lahat kami ay gutom na 'rin. Teka nga lang--- kasama ba ako diyan? Napakaassumera mo masyado, Chelsea!

"Of course, kasama ka, Chelsea.", natatawang sabi ni lorraine. "Don't ever doubt yourself when you're with us."

Lumabas kami ng Training Area at tinahak ang daan papuntang Cafeteria. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo, hindi ko naman maiwasan hindi mapansin ang mga titig na binibigay saamin ng mga estudyante.

"Ano ba naman 'yaaaaan, wala bang araw na hindi tayo tatantanan ng mga tingin na binibigay nila?", maktol ni Charles.

"Ang gwapo daw kasi ng isang member ng Dexra Evenfall...", sabay wink ni Jason sa mga babaeng nadadaanan niya.

Natawa naman si Lorraine, "Hindi tayo ang tinitignan nila.", sambit nito. "Si Chelsea."

Napakurap-kurap naman ako habang nakatingin dito, "H-Ha?", muli akong napatingin sa mga estudyante at napagtantong saakin nga sila nakatingin.

"Ang ganda kasi ng chelseababes ko!", sambit ni Jason at lumapit saakin habang kumikinang ang mga mata.

"Duh, kailan pa naging babes mo si Chelsea aber?", pananaray dito ni Hesly.

Napasimangot naman si Jason ng sumulpot si Hesly, "Hoy! Wag ka ngang manaray! Selos ka noh?"

Agad naman itong pinanlakihan ng mata ni Hesly. She stared at him with disgust, "Ew, I will never be jealous you moron. Kadiri ka ayoko sayo.", she retorted as she roll her eyes.

Natawa nalang ako dahil sa side na ito ni Hesly. Kanina lang parang ang friendly niya saakin, hindi ko alam na parang araw-araw siyang rineregla dahil sa pananaray niya.

"Awe...", sabi ni Lorraine habang nakangiti. Diretso lang itong nakatingin sa unahan. Sa totoo lang, robot ba ito na may puso? "Kung nababasa mo lang isip ng mga estudyante, Chelsea."

What does she mean by that?

Bigla akong napatingin sa mga estudyante ng marinig ko ang mga bulungan nito.

"Who's that girl?"

"Siya na ba ang dadagdag muli sa team nila?"

"Grabe. Ang swerte naman ni ate transferee nakasama ang Dexra Evenfall."

"No hindi maari! Baka kuhanin niya si fafa jason ko!"

"Don't worry girls... pag kinuha niya si nathan saakin at sina charles at jason sainyo, wala tayong magagawa kundi ang ipatikim ang evil sides natin."

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon