Odd

23.4K 649 9
                                    


Nasa kwarto na si Jayden habang naglalaro sa cellphone niya habang ako nasa kusina at gumagawa nang cookies. Hapon palang pero sobrang nakakaumay na dito. Mas maganda pa nga atang sa Crimson Academy mag bakasyon eh. Pero hindi ko magagawa dahil aalis na 'rin naman ako.

Pagkatapos nang bakasyon, may hahatid saakin paputang Leighton Academy at hindi ko alam kung paano at saan niya ako hahanapin dahil hindi naman niya alam ang bahay nina Tita. Pero pinagsawalang bahala ko nalang, sana nga hindi matuloy.

Ilinagay ko na ang tray sa oven at ilinagay ang timer sa 30 minutes saka ko pinahid ang pawis na namumuo sa noo ko.

"Chels!"

"Ay anak nang tipaklong!"

Agad akong napalingon sa pintuan nang kusina at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Hesly na papalapit saakin. Halatang nagmamadali ito at hindi mapakali sa kinakatayuan. Hindi ko nakita ang ibang Dexra Evenfall kaya hula ko ay mag-isa lang siya.

"Hesly? Anong ginagawa mo dito?", hindi makapaniwalang tanong ko.

Nang makalapit ito ay hinawakan ako nito sa magkabilang balikat. "You didn't really stole the vial blood of Mnemosyne am I right?"

Napakunot noo ako dahil sa tanong nito at sa tingin na ibinibigay niya saakin. Hindi talaga siya naniniwala saakin? I thought friends trust each other? Do they really think I am the traitor?

Inalis ko ang kamay nito sa magkabilang balikat ko at umatras habang hindi makapaniwalang nakatingin dito. "Do you really think I would do such a thing? Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin niyo sa dugo na 'yon eh! Dugo lang naman 'yon! What's so special about that?"

Hesly seems frustated as I was too. I just can't believe that my friends couldn't trust me. "That blood you were asking about is the most important thing Crimson Academy must have! If it get into the hands of Chaos itself, wala na tayong magagawa kung hindi ay ang magpakahirap hanggang sa mamatay tayo."

Medyo nabigla naman ako sa sinabi nito pero hindi ko ipinahalata. If I knew it was that important, I would've search for it inside the Academy. "Hesly, you have to believe me, I am not the one who took the vial blood."

"Do you have the Sacred Book with you?"

Agad akong napalingon sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko dahil nakatayo pala dito si Lorraine.

"Lorraine, bakit ka sumunod?", nai-stress na tanong ni Hesly. But Lorraine just shrugged and smiled at us.

"Oo nasa saakin ang Sacred Book ngayon.", sagot ko dito. Hindi ko nga aakalaing darating sa point na hindi ko na isasauli sa library ang Sacred Book, siguro nag aalala na ang may-ari nito dahil nawawala ito sa pinagtaguan niya.

Sinenyasan ako ni Lorraine na kuhanin ko kaya hindi na ako nagalinlangan pa at pumunta sa itaas papuntang kwarto. Halata sa mga mukha nitong sobrang stress na sila at nagmamadali pa. Pagbukas ko nang pintuan ay iniangat ni Jayden ang tingin niya at napakunot-noo.

"Hoy babae, sino 'yang mga 'yan na nasa likuran mo?", tanong nito habang nakatingin sa likuran ko.

Hindi ko alam na sumunod na pala sina Lorraine at Hesly saakin pero ipinagsawalang bahala ko nalang ito at kinuha ang maleta ko. Hinanap ko ang Sacred Book na hinahanap nila.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon