Park

22.9K 555 10
                                    

Nagising nalang ako na may mga butil ng pawis saakin noo at sobrang lakas nang kabog sa dibdib ko. Napaupo kaagad ako sa sofa at ilinibot ang aking paningin. Nagpakawala ako nang buntong-hininga ng matagpuan ko ang sarili kong nasa bahay pa 'rin nina tita.

Napasandal ako sa sofa at tumingin sa ceiling. "Panaginip lang pala..."

It was somewhat a near to death experience for me. The dream was lucid and felt real. And that Astra the man was uttering about, I think I heard it before. But now that i'm wide awake, it's none of my concern for it was just an odd dream.

Napatayo ako sa sofa pero agad 'rin natigilan nang makita ang mga nagkakalat na mga balot ng candies at iba pang pagkain. Isang imahe lang ng isip-batang lalaki ang pumasok sa isip ko at siguradong siya ang may kagagawan nito.

"Jayden...", bulong ko habang hinihilot ang aking sentido. So far, pinipilit kong pakalmahin ang sistema ko at 'wag sumigaw ngayong bagong gising ako.

Naglakad ako papunta sa itaas at dumiretso sa kwarto ko na ngayon ay tinutulugan ni Jayden. Ang kapal nga ng mukha dahil ako pa ang natulog sa sala habang siya sarap na sarap ang tulog dito sa kwarto. May mga basura pa kung saan-saan!

Lumabas na ako at naghilamos at saka bumaba para makapag-agahan. Napasimangot nalang ako dahil wala sa refrigerator ang mga binili namin, paniguradong inubos niya. Mabuti nalang at may itlog pa at may slice bread din sa mesa kaya nagluto nalang ako ng itlog. Pagkatapos nito maglilinis pa ako ng bahay dahil ang kalat ng isip bata na 'yon!

Baka pagbalik nina tita sumabog sila sa galit dahil sobrang kalat ng bahay nila to the point magmumukha ng basurahan.

●●●


"Tara! Please! Libre ko promise!" Sabi niya habang nagpupuppy eyes.

Napadaing nalang ako at nagtago sa comforter dahil na naman sa request nito. Gustong magpasama sa park! Sabi ko naman kaya niya na eh at alam niyo ba kung anong oras na ito nagising? Three o'clock. Hindi na ako mabibigla kung bakit palagi ito alas nagigising at natutulog, halata namang demonyo na mapaglinlang.

"Please...", inalis niya ang comforter at nagpout sa harap ko.

"Awe ang pangit mo talaga.", saad ko dito at pinisil ang pisnge kaya napa-aray ito.

"Hmp, cute kaya ako!", mas lalo itong napapout habang hinahaplos-haplos ang bahagi ng pisnge niya kung saan ko siya kinurot.

"Tsk, sige. Basta libre mo.", parang kanina lang nakapout ito ngayon naman ay kumikinang na ang mga mata dahil sa tuwa.

Wala na 'rin naman akong gagawin at saka para naman mabayaran na 'rin niya ako. Gusto ko pa naman kumain ng isang gallon ng ice cream.

Tumayo na ako sa higaan ko at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa gilid. Sakaniya siguro. "Labas ka muna ng kwarto ko, maliligo lang ako."

Napakunot-noo naman ito saakin, "Kwarto ko ito."

"Akin ang kwarto na ito."

"Akin...", pagmamatigas niya.

"Akin!", sinamaan ko ito ng tingin habang nakapameywang.

"Akin nga sabi eh!"

"Ayaw mo atang samahan kita sa Park eh."

Napaiwas naman ito ng tingin habang nakanguso. Talo siya! Ayaw niya atang walang kasama sa Park eh. "Oo na! Hmp. Bilisan mo lang.", padabog itong lumabas ng kwarto ko kaya natawa nalang ako sa kapangitan niya.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon