Ability and Power

22.9K 609 10
                                    


Chelsea's POV


Nagising nalang ako nang matagpuan ang sarili kong wala sa kwarto ko. Naamoy ko 'rin ang amoy nang clinic.


Napahawak ako sa lalamunan ko nang malaman kong sobrang tuyo na ito. Hindi ko 'rin kayang magsalita nang dahil dito.

Napaupo naman ako sa aking kinahihigaan at naghanap nang maiinom na tubig.


Natagpuan kong nasa clinic nga ako at walang tao kahit isa. Napatingin ako sa suot ko at nakitang nakasuot ako ng pajamas. But how long was I asleep?


Ang naaalala ko lamang ay nahimatay ako matapos akong sipain ni Kristine sa mukha. Then I started to have dreams like I was manipulating all of the students including Kristine.


Sinuot ko ang nakita kong tsinelas sa ibaba nang sahig at napagisipan nang lumabas ng clinic. Ngunit agad 'rin akong natigilan nang bumungad saaking mukha ang dalawang tao.


Seryoso? Sa harap pa mismo ng clinic ginagawa ang ganiyang bagay. Kakagising ko lang tapos ganitong eksena kaagad ang bubungad saakin.

"Get a room.", mapait na sambit ko sa mga ito. Tumigil naman sila sa paghahalikan at napatingin saakin.

Napadako ang tingin ko kay Nathan at napairap nalang sa hangin at saka naglakad na diretso sa aking pupuntahan.

He's disgusting. After claiming my first kiss he would dare to kiss someone else? IN FRONT OF ME?

Pucha bakit ka naman affected.

Tangina hindi ako affected! Sadyang naiinis lang ako kasi ang dami niyang kahalikan! At isa na ako dun sa nahalikan niya!

Bwiset.

"Hey, kid. Where are you headed?", napatalon ako nang dahil sa gulat nang biglang may umakbay saakin.

Kinunotan ko naman ito nang noo. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Wag mo nga ako akbayan! Doon ka lang kay Kristine magkainan nalang kayo nang labi."

Imbes na sumunod ay bigla itong natawa sa sinabi ko. "Jealous, I see..."

Pinanlakihan ko naman ito ng mata. "Hoy for your information never ever akong magseselos. Kadiri, hindi naman kita gusto. Ew, yuck. Friends lang tayo diba.", umiwas ako nang tingin dito dahil sobrang namumula ang mukha ko.

Naalala ko pang yinakap ako nito sa panaginip ko. Peste! Gusto ko si Carlo gumawa saakin noon.

"Of course, we're just friends. Nothing else.", he said in finality.

Napahinga naman ako nang maluwag. Mabuti kung ganon. Dahil kahit ako, ayokong umabot kami sa punto na may nararamdaman na kami para sa isa't-isa.

Parang kanina lang hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang tuyo nang lalamunan ko. Yung kissing scene lang pala nila ni Kristine ang makakagamot saakin eh.

"So, where are you headed to with your pajamas on?", tanong nito at saglit pa akong tinignan taas-baba.

"Cafeteria.", sabi ko dito at napatingin-tingin sa palagid. "Nasaan ang ibang estudyante?", tanong ko.

"Training ground. Chaos will be coming soon so now they are being serious about their training."

Napatango-tango nalang ako dito. Hindi ko nalang binigyan pansin ang nakaakbay niyang kamay at tahimik kaming pumunta sa Cafeteria.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon