Training

25.9K 631 23
                                    

TheBitterCupid:
Before continuing, gusto ko lang sabihin na wala akong gustong sabihin.

Charot. Ang Short Special Chapter na nabasa niyo kanina ay isang biro lamang. Wag niyong seryosohin kasi IZZA PRANK nga diba HAHAHA. OKS.





●●●





"L-LORRAINE! ITIGIL MO NA ITO JOKE LANG NAMAN YUNG SINABI KONG MAG EENSA---", Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil itinapon ng halimaw sa direksyon ko ang kaniyang hawak na axe. Buti nalang at nakaiwas ako.

"No doubt. Nakakatakot nga ang kinakatakutan ni Chelsea.", bumubungisngis na sambit ni Charles sa labas ng illusion.

Nanatili dito sa loob ng illusion si Lorraine at kinokontrol ang kaniyang puppet gamit ang strings. Sino ba naman ang hindi matatakot kung makakakita ka ng ganitong white lady na mataba?

[A/N: The picture is at the very beggining of the chapter ^^^]

"Oh?? Giving up already?", she giggled as she was waving her hands along with strings.

The Fat white lady charged herself at my direction. "Go Chelseababes! Kaya mo 'yan!"

Hinihingal akong iwas lang ng iwas. Kanina pa ako umiiwas. Dapat may gawin na ako para mapatumba ito.

But how?

"Use your fucking brain, idiot.", napatingin ako sa labas ng illusion at sinamaan ng tingin si Nathan.

Idiot idiot, siya itong idiot nyenyenye.

"PAG AKO NAMATAY DITO NANG WALA SA ORAS! PAGMUMULTUHIN KO KAYO HANGGANG SA MAMATAY DIN KAYO!"

Sa kasamaang palad ay napada ako at napasubsob ang mukha ko sa lupa. Kasi eh! Ang lampa lampa ko!

"Lampa HAHAHAHA", Biglang halakhak ni Jason. Sa totoo lang, suportado ba talaga ito saakin o hindi?

Napaharap ako sa unahan ko at nakita ang halimaw na tuloy pa 'rin ang pagtakbo sa unahan ko.

What to do? GAMITIN MO UTAK MO CHELSEA.

Napatingin ako sa halimaw at siningkit ang mga mata ko. Nadapo ang paningin ko sa katawan nito na napapalibutan ng strings.

Strings...

That's right! Strings! "As Nathan said, use your brain.", she utters.

I just already did.

Pinahid ko ang dumi sa mukha ko at tumayo mula sa maduming sahig. Buti nalang talaga may natitira pang talino saakin.

Bago pa ako maabutan ng halimaw ay tumakbo na ako patungo sa axe na kaniyang itinapon kanina. Kinuha ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa di inaasahang bigat. "Tangina naman. Bakit ang bigat..."

Nahirapan pa akong kunin ito at nang sapat na ang distansya ng halimaw saakin, akmang hahablutin ako nito ngunit itinapon ko ang axe papunta sa mukha niya dahilan para tumama ito sa mukha niya.

"AAAAHH!", sigaw ng halimaw dahil sa sakit at nalukot ang mukha ko dahil umaagos ang kulay green nitong dugo sa mukha.

Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at sumakat ako sa likod nito. Gamit ang aking mga kamay ay pinutol ko ang mga strings na nakapulupot sa halimaw.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon