Earthquake

23.5K 656 51
                                    

Akmang sasapakin na ako ng prinsesa nang biglang lumindol.



"Lindol?"


"Bakit lumilindol?"


Napakunot-noo naman ako nang biglang gumuho ang lupa. Napatayo ako sa sahig at napahawak sa pader dahil habang tumatagal ay mas lumalakas ang lindol.


Nagkaroon ng crack sa pader at nahulog ang piraso ng ceiling na muntik pang tumama sa isang estudyante.


"Everyone! Go to the field!", sigaw ng isang babae. Sumunod naman sila habang sumisigaw ang iba.


Napacross-arms naman si Kristine sa harap ng babae, "I don't take orders from a lowly life creature.", pananaray nito.



"Edi bahala ka dyan! Pakielam namin sayo kung mahulugan ka ng ceiling dyan. Tara na, Chelsea!", tawag saakin nung babae.


Nabigla naman ako dahil kilala niya pala ako. Tinignan ko pa si Kristine na parang ayaw talagang sumunod saamin kaya pinabayaan na namin.


Tumakbo kami papalabas ng building papunta sa field kung saan open-wide space at hindi kami matatamaan ng mga bagay na nasisira.


Napansin ko 'rin na naririto ang lahat na estudyante.


"Ang taas naman ng pride nung kasama mo sarap patayin eh.", saad nang babae.


Natawa nalang ako ng pilit at nahagilap si Kristine na nakasunod pala saamin.


"Hey! Who told you two to leave me alone in that destructive place?", maktol nito.


"Oh susunod ka naman pala.", humalakhak naman ang babaeng kasama ko.


Nawalan kami ng balanse dahil sa sobrang lakas ng lindol at napaupo sa field. Nagkaroon ng crack sa lupa dahilan para magsigawan ang mga estudyante.


"Aight. We're gonna die.", sambit ng babaeng kasama ko.


Sa crack na nasa lupa ay may lumabas na maliit at nagliliwanag na bilog. Ni hindi ako makapokus dito dahil gumagalaw-galaw pa ang lupa.


"Ano 'yan?", tanong ko habang nakaturo sa liwanag. Muntik pa ako mawalan ng balanse.


Napatingin naman si Kristine at ang babae sa tinuturo ko. "Anong ano 'yan pinagsasasabi mo?", nagtatakang tanong ni Kristine.


"Ano 'yang liwanag na yan?", pag uulit ko kahit nahihirapan na ako magsalita.


"Huh?", the girl eyed me curiously. "Wala naman kaming nakikitang liwanag."



Napakurap-kurap ako at tinignan ang liwanag. Namamalikta lang ba ako? Can't they see it?


Namilog ang mga mata ko nang mahati ito sa dalawang bilog na liwanag. "What the hell?"


"Anong what the hell?", tanong ng babae saakin.


Gumapang ako paatras ng matagpuang palapit ng palapit saakin ang isang liwanag samantalang papunta sa loob ng building ang isang liwanag.


"Tsupi! Tsupi!", pangtataboy ko dito pero nagulat nalang ako nang dumampi ito sa noo ko. Ramdam ko ang lamig nito na tila ba pumasok sa aking noo.


"The saviour..."


Napalinga-linga ako nang makarinig akong nagsalita sa tenga ko pero wala naman dahil abala sila kakasigaw.


Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon