The Brightest Star - Astra

27K 786 57
                                    


Naalimpungutan ako bandang alas dose na nang gabi. Pumunta ako ng kusina at uminom ng tubig.

Pagbalik ko sa kama ay pinilit kong matulog pero sadyang gising na gising lang ang diwa ko. Bakit kasi nagising ka pa, Chelsea. Nawala na tuloy masarap na tulog natin.

Napabuntong-hininga ako at umupo sa kama. "At dahil walang balak matulog kaluluwa ko, lalabas nalang tayo self."

Tumayo ako ng higaan at nagsuot ng jacket. Tanging pantulog ang suot ko sa ilalim ng jacket at nakatsinelas lang 'rin. Wala naman atang tao na ngayon para mag-ayos ako ng sarili ko diba?

Lumabas na ako ng dorm at nagsimula ng maglakad-lakad. Tanging mga yapak ng tsinelas at ang hangin lamang ang naririnig ko. Madilim pa 'rin at ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing gabay ko.

Habang naglalakad ay biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Yessa.

A flower that is waiting for itself to bloom. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. But to tell, I saw how stressed she was and i'm concern about her health status. I'm wondering what's pressuring her.

And Carlo... kahit hindi sabihin ni Carlo na pagkatiwalaan ko siya, magtitiwala't magtitiwala pa 'rin ako sakaniya. We've known each other for years so i'm not doubting anything on him.



[*clash!*]



Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig akong tunog ng isang bagay na nabasag. And someone's yelling over something. Pupuntahan ko ba?

Curiousity kills nga naman.


Hindi ako nag-alinlangan na hanapin kung saan nanggagaling ang boses na sumisigaw. Napagtanto kong sa loob ito ng Floral Garden. Kaya kagaya nang dati ay inalala ko ang daan papunta sa gitna upang makapunta ako dito.

Nang makapunta ako sa gitnang bahagi ng Floral Garden ay gulat akong napatingin sa isang lalaki na nakaupo at nakasandal sa pader na gawa sa dahon. Napatakip pa ako ng ilong ko dahil sa amoy ng alak.

One of the most smell I hate is the scent of liquor.

Dahan-dahan akong lumapit at nang tumingin ito sakin ay natigilan ako nang makita kung sino ito.

Teka, bakit nga ba ako pumunta dito in the first place?

"What do you want.", malamig na saad nito kaya nagsitaasan naman ang balahibo ko. Whenever he acts like this, I always feel disturbed.

"U-Uhmm, may narinig akong nabasag k-kaya pumunta ako dito. ", pagpapaliwanag ko.

"Tch.", tumungga ulit siya sa hawak niyang bote ng alak. Binilang ko naman ang mga naubos niyang bote ng alak.

One, two... three... four! The heck? Bakit ba siya nagpapalasing? Alam niya bang may pasok pa bukas? Bobo ba siya?

"Hoy! May pasok pa bukas at nagiinom ka? Bobo ka?"

Bago pa man siya uminom ulit ay inagaw ko na ito sakanya na ikinagalit naman nito. "Hey! Give that back!" Maktol nito. Inilayo ko sa kanya yung bote ng alak.

"Stop it. Lasing ka na, Nathan.", seryosong saad ko dito.

Tangina kung hindi lang talaga ito kaibigan nina Hesly baka pinabayaan ko nalang ito. Pero hindi pwede, pabaya talaga ito sa sarili niya eh.

"Give that back or else.", he threatens. Tinaasan ko siyang kilay saying 'or else what?' "I'll kill you."



"As if naman kaya mo!", pagtatapang-tapangan ko naman. Pero alam kong kaya niya akong patayin, sa combat nga hindi pa na isang minuto, talo kaagad ako.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon