Ketchup

24K 542 28
                                    

Nagpakawala nalang ako nang mabigat na hininga at lumabas na sa bahay nina Auntie kasama si Jayden. At dahil binili na niya ang bahay ni Auntie(which is hindi niya sinabi saakin) ay walang Auntie ang sasalubong saakin at walang Catrina ang mang aasar saakin.

"Jayden...", tawag ko sakaniya habang nakatingin sa lupa.

"Bwakit? ^-^?", hanggang ngayon kumakain pa 'rin nang cotton candy. Hindi ko alam kung bakit hindi sumasakit tiyan niya dahil sa kakakain nang matatamis.

"Sigurado ka ba doon sa sinabi mo?", tanong ko dito. Hindi ko ito binalingan nang tingin.

Hindi pa 'rin maialis sa isip ko yung sinabi niya noong araw na 'yon. I mean, who could've betrayed us? We're all friends.




Flashback


"Marunong ka bang mag decode niyang Cipher Clock Code na sinasabi mo?", tanong ko dito.

I can't even believe it's a code! I thought it's just time written unarranged.

Tumango naman ito saakin, "Hihi oo eh magaling ako sa mga code code na yan insan ihh."

'Magaling ako sa mga code code na yan'

Napapikit nalang ako nang mariin at muling hinilot ang sentido ko. Sobrang nakakastress kasama ang lalaking ito, kanina lang nakita niya naman ata ang nakalagay sa Sacred Book tapos ngayon niya lang binalak sabihin?

Ilan lang ba neuron cells nito?

"Hihi na decode ko na 'rin kanina habang sumisilip ako sa libro ^-^", natutuwang sabi nito na para bang proud pa kasi ngayon lang siya may pakinabang.

Sana nga alam niyang ngayon lang siya may pakinabang pucha.

"Ano meaning?"

"Traitor.", sambit nito. "It says, Among us, there is a Traitor."


Imbes na gumaan na ang pakiramdam ko dahil nasagot na ang isang katanungang bumabagabag sa isip ko, kabaligtaran ang nangyari. Mas lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip kung anong ibig sabihin nito. Ganito ba talaga feeling pagbobo ka?

"H-Hindi ko maintindihan..."

"Hmm...", ilinagay niya sa kaniyang baba ang kamay niya habang nagiisip. "Maybe there is a traitor whom you might know."

Napintig ang tenga ko matapos marinig ito. "Hoy, anong pinagsasasabi mo diyan? Isa sa mga kaibigan ko ay traydor?", hindi makapaniwalang tanong ko.

"Indeed.", nagcross arms ito habang malalim na nakatingin sa libro. "That book is the Holy Grail's Sacred Book, designed for the Chosen one and the Book itself chose you. That is why its giving you a warning for you to be cautious. Among all of your friends, there is a traitor who would destroy that friendship for selfish reasons."



End of Flashback

Ayokong maniwala sa mga sinabi ni Jayden saakin noon. Malabong may traydor sa mga kaibigan ko. It isn't Yessa, nor the Dexra Evenfall. They seem to be just a normal student getting ready for the war. Sa ngayon... ayokong maniwala.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon