Love

28.3K 797 50
                                    


"Alam mo bang bukas na makalawa bibigyan na naman kami ng mission ng head?! I mean, how unbelievable is she?!", nai-stress na sambit ni Hesly.

Tumango-tango naman si Charles bilang pag agree, "To think that, sobrang delikado ng mga mission na ibinibigay saamin. It's a battle between life and death.", sumubo ito ng cabbage.

"S-Seryoso?", hindi makapaniwalang sambit ko. Gusto bang patayin ng Head ang mga estudyante niya?

"Oo. At alam mo kung ano ang binigay saaming misyon ng head?", tanong nito.

"A-Ano?", nagtataka kong tanong. Napagtanto kong hindi ko pa nagagalaw ang juice ko kaya uminom ako.

"Mnemosyne's blood.", sabay na sambit ni Lorraine at Hesly.

Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito. Is it just me or familiar talaga ang sinambit nilang Holy Grail? Saan ko nga ba 'yon narinig?

Nagkibit-balikat nalang ako dahil hindi ko na talaga matandaan kung saan ko narinig ang salitang iyan. "Ahh. Bakit niyo kailangan?", tanong ko sa mga ito.

"Hindi ko alam pero kailangan ito ng Headmistress. At hindi namin alam kung saan ito mahahanap.", seryosong sambit ni Charles at tila nai-stress.

"That's why, we were given a clue.", Lorraine gave us her sweet smile.

"Pero hindi natin kung ano ang ibig sabihin!", maktol ni Jason. "At saka bakit kasi hindi na dineretso sabihin ng head kung nasaan talaga ang dugo ng holy grail?"

Binatukan naman ito ni Hesly, "Tanga ka talaga kahit kailan eh. Malamang 'yun lang ang alam niyang clue!", sambit nito. May ilinabas itong papel sa kaniyang bulsa at ilinapag sa mesa. Ilinapit niya ito saakin para mabasa ko. "Ito ang clue."

Kunot-noo ko naman itong tinignan at inisip kung ano ang ibig sabihin nito.

"Ano? Naintindihan mo ba, Chelsea?", tanong ni Hesly at halatang umaasa silang maiintindihan ko ang clue.

Pero tabingi lang akong napangiti, "Hehe, sorry. Di ko alam.", sabi ko sa mga ito at napakamot sa ulo. Nagsibagsakan naman ang mga balikat nila.

Kahit anong talino mo, kung low gets ka, low gets ka talaga.

Tinignan ko ang malaking orasan na nakasabit sa pader ng Cafeteria at napag tantong 2 na pala. Inubos ko na ang juice ko at tumayo na. "U-Uhmm aalis na ako.", pamamaalam ko sa mga ito ng maalala kong may babasahin pa akong libro.

Napatingin naman silang lahat dito, "Ang bilis naman Chelsea. Pwede bang mamaya ka na umalis?", Hesly pleaded.

"Hindi pwede eh. Mag-aaral pa ako.", sabi ko. Baka kasi mabulok na utak ko. Napansin kong minsan nalang ako makapag-aral.



Third Person's View


Of course, they get easily attached to someone whom they've just met. The Dexra Evenfall really likes Jade Chelsea.


Nang makaalis na ito ay bumalik sa dati ang Dexra Evenfall. Para bang nawalan ulit nang gana sa lahat ng mga gawain nila.

"Ang boring na naman...", nakabusangot na sabi ni Jason.

"Nandito ka kasi, kaya ang boring.", pang aasar ni Hesly at sumubo ng dessert niya.

Tinaasan ito ni Jason ng kilay, "Kausap ba kita? Napaka-assumera mo talaga kahit kailan, Pangit."

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon