Bloodline

23.7K 539 11
                                    

Hi @_ysabelle_22! Thank you for the longing support (^3^) This chapter is dedicated to you.


●●●


"You seem so odd."

"Huh?", nagtatakang tanong ko dito.

"Pakiramdam ko tuloy pinsan kita!", kumikinang ang mga mata nito habang nakatingin saakin. Parang hindi niya kayang maging seryoso nang kahit isang minuto man lang.

"Pano mo naman nasabi na pinsan mo ako?", taas kilay kong tanong.

Nabigla ako nang yakapin ako nito nang mahigpit. "Ihh~ basta. Feeling ko ikaw yung pinsan ko hihi~"

"H-hoy! Bitaw nga ulupong! Nahihilo ako!" Sabi ko dito nang magsimula itong yugyogin ako.

Binitawan niya naman ako at muli akong yinakap kaya napasimangot nalang ako. Problema ba kasi nito? Biglang sinapian ng masamang espirito.

"Sinapian ka ba?", naiiritang tanong ko dito.

Bumitaw ulit siya sa yakap at biglang tumawa na parang bata. "Hindi ako sinasapian! Talagang magkaparehas lang kayo nang pinsan kong nawawala! Pa-kiss nga!"

Nataranta naman ako dahil linapit niya ang kaniyang mukha saakin kaya awtomatikong dumapo ang aking kamao sa kaniyang mukha.

Oops, that was unintentional.

"Huhu, bakit mo 'yon ginawa? Alam mo bang nakakasakit sa damdamin." Mangiyak-ngiyak na sabi nito habang nakahawak sa bago niyang pasa. "Masisira babi peys ko nito! Huhu. Hindi na tuloy ako makikilala nang nawawala kong pinsan.", ngumuso pa ito sa harap ko.

"K-Kasalanan mo naman kasi! May pakiss-kiss ka pang nalalaman! Isip bata na nga, bobo pa!", Pang tratrashtalk ko sa kanya. Tumayo ako sa kama. "Kukuha nalang ako nang Ice---"

"Huwag na hmp. Maghihilom 'rin naman ito kaagad.", may bahid na pagtatampo sa boses niya kaya hindi ko napigilan hindi matawa. Ang cute nang kalabaw na ito daig pa talaga ang four years old na bata.

Pero biglang may sumagi sa isip ko kaya hindi ko napigilan hindi mapatanong. "Bakit hindi mo sinabing elementalist ka 'rin pala?"

"Hindi ka naman nagtanong eh.", rason naman nito kaya natampal ko nalang ang noo ko. Hindi talaga ako makakatagal kapag ganito kasama ko sa iisang bubong.

"Taga Leighton ka pala?", tanong kong muli at tumabi sakaniya.

"Hmm-mmm!", tumango ito.

"Anong mahika mo?"

Hindi ito umimik at napatingin saakin saglit. Huminga siya ng malalim at inilahad sa ere ang kaniyang kamay. Maya-maya ay may lumabas ditong nagliliwanag na paniki.

"Illuminant B-Bat?", nagbabasa ako nang libro tungkol sa mga mahika at ibang importanteng mga bagay. At isa na dito ang mahikang ito. Sa pagkakaalam ko ay mga tao sa Land of the Light lang ang makakagawa nito.

Hindi kaya...

"Oo hihi. Tama ang iniisip mo. Isa akong Light, ang pinakamakapangyarihang kalupaan sa lahat. At ikaw...", sabay turo nito saakin.

"Ako?", nagtataka kong tanong.

"The energy flowing inside of you has the same as mine. Now tell me, why do we have similar bloodlines?", Tanong niya sakin.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon