Crazier

25.6K 640 51
                                    

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang may mangyari saamin ni Carlo---este may mangyaring insidente.

Ikinuwento na 'rin saakin ang lahat ni Yessa at hindi na natuloy ang mission ng Dexra Evenfall dahil sa insidente na iyon. Sa loob ng tatlong linggo na ito ay hindi ko nakikita ang Dexra Evenfall at isali mo na 'rin si Yessa na nagpapakabusy na 'rin.

They've been assigned to search for the long lost princess and the Guardian who is in disguise.

I never thought that Nathan was actually correct about his own notion. Mnemosyne is really hiding along the Crimson Students.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nagtatago? Sinong pinagtataguan niya?

At saka nakakairita yang prinsesa na 'yan ah! Nasaan na ba kasi 'yon? Bakit ayaw pang magpakita? Tch. Nagpapabebe pa ba 'yon? Hindi siya worthy ng titulong tagapagligtas.

Pagnahanap ko talaga 'yang tagapagligtas na pinagsasasabi nila pagsesermonan ko ito kahit hindi ko ka-close. LETCH KASI. Naiinip na kasi ako. Wala man lang kumakausap sakin this past few weeks dahil lahat sila pinagkakaabalahan ang pag hanap sa tagapagligtas.

Napadako ako sa Music Room at natagpuang wala ni isang tao. Pati ibang mga estudyante abala na 'rin. I don't know why.

Ako lang ata ang estudyante dito sa Crimson Academy na walang magawa sa buhay eh. Wala naman kasi ako kwenta, kaya nga nagpapasalamat akong wala akong kwenta, para hindi nila ako magamit-gamit kung saan.

Umupo ako sa isang upuan. Kaharap ko ang isang puting piano. Kung akala niyong mag papiano ako, syempre hindi. Hindi naman ako marunong nito.

Nakiupo lang ako. Kinuha ko ang gitara na nasa gilid at hinanda ang aking sarili. But I know how to use a guitar though.

Hinaplos-haplos ko pa ito dahil sa sobrang kinis ng gitara to the point mukhang bago lang.

Hay, sarap ng buhay kapag malayo kay na Tita. Nagiging tamad na eh.

[Strums guitar]

"You lift my feet off the ground and spin me around~"

Sana nga may  kayang bumuhat saakin kahit nag mumukhang 5000 pounds kilo ko hihi.

"You make me crazier, crazier."

Hindi naman sa literal na baliw pero nang dahil sa mga research papers sa Mortal Realm, nagmumukha na akong baliw na zombie.

"Feels like i'm falling and I'm lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier."

I smiled at the thought of Carlo and I. Kahit na hindi niya alam, masaya pa 'rin akong kasama siya. Kuntento na ako sa kung ano kami ngayon.

Baka layuan pa ako kapag umamin ako sakaniya.

Napadako ang tingin ko sa pinto nang makarinig akong mahinang yabag ng sapatos. Nakita ko naman si Nathan na papaalis ng Music Room.

Teka, kanina pa pala siya nandito?

Biglang namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan at nagdalawang-isip kung tatawagin ko ba o hindi pero sa huli ay hindi na. Biglang sumagi sa isip ko yung gabing hinalikan niya ako.

At imposibleng maalala pa niya ang nangyari noon saamin. Yung gabing nahalikan niya ako. Of course, he was drunk back then so it's impossible for him to remember that embarassment phenomenon.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon