Unexpected

27.9K 841 2
                                    


Another day, another entertainment for me.

At dahil inalok ako nina Lorraine na pumunta ng Training Area, naghanda na ako. Kagabi pa ako excited makita mga Magic ng ibang Dexra Evenfall hihi. Curious ako kung ano ang itsura nito.

To think that napabilib ako sa mahika nang dalawang lumaban kahapon. Kay na Charles at Hesly. Their magic are insane! Charles was fighting recklessly, while Hesly fought gracefully. It's just like she was dancing inside a combat.

Aanyayahin ko sana si Yessa kaso may gagawin daw siyang importante at halata namang kagabi pa siya bad mood. Kaya nakakapagtaka kung bakit 'yon ganon.

I wore a black loose shirt and shorts. Pinaresan ko ng paborito kong black na rubber shoes. Nagponytail lang ako at naglagay ng pulbos sa mukha which I think gawa dito sa Elemental realm dahil lavender ang amoy niya. It smells so nice.

Habang nag aayos sa sarili ay nahagip ng mga mata ko ang sandaling kuminang sa ilalim ng kama ko. Kaya lumapit ako tungo dito at sinilip kung anong meron.

"Bakit ito nandito?", kunot-noong tanong ko sa sarili ko at kinuha ang librong nasa ilalim. Umupo ako sa kama ko at ilinapag ito sa kandungan ko.

Ang Sacred Book. Bakit nasa ilalim ko ito ng kama? Nakalimutan ko ba itong ibalik 1 month ago?

Minuklat ko ito at ganun pa 'rin. Isang pahina lang ang may sulat. Ang iba ay blangko talaga. "Ito 'yung mga salita na hindi ko maintindihan.", sambit ko habang sinusuri ang parang tula na nakasulat sa unang bahagi ng libro. " The answer is where it lies...though the truth will lose its sight."

Ang Kasagutan ay matatagpuan kung saan ito naroroon...

Subali't ang Katotohanan ay mawawalan ng kakayahang makakita.

Kasagutan? Kasagutan saan? Wala namang katanungan pero merong kasagutan?

Ang katotohanan... ang ibig sabihin ay mabubulag ang katotohanan?

Anong katotohanan nga ba?

●●●

Lumiko ako at bumaba ng hagdan papuntang Training Area. Nang hawakan ko ang door knob ay ingat kong binuksan ito para hindi na mangyari yung nangyari kahapon.

Sumilip ako sa loob at nakita kong naririto na ang lima at prenteng nakaupo. Mukhang naramdaman naman nila ang presensya ko dahil iniangat nila ang kanilang mga tingin sa dereksyon ko.

"Chelsea!", Nakangiting tawag sakin ni Hesly at lumapit. Ngumiti din ako sa kanya.

"Nandito ka na pala. Wala pa kasi sila dito eh. Hinihintay pa namin. Tara. Upo na muna tayo."

Pinaupo niya ako. Ngayon ay napapagitnaan ako nina Lorraine at Hesly.

"Sila? Sinong sila?", nagtatakang tanong ko.

"Hindi lang naman kami ang Dexra Evenfall.", mas lalo akong nagtaka sa sinabi ni Hesly. "Marami kaming members ng Dexra Evenfall."

Bigla naman namilog ang mga mata ko, "Seryoso?", tanong ko at tumango naman ito. Pero bakit wala sila kahapon dito?

"It's because they went to another mission. At ngayon ang balik nila. Training kaagad ang haharapin nila.", Lorraine explained. "And it's good that you're here. Alam ko 'rin na excited kang makita ang mga mahika namin...", she gave me her gentle smile.

"H-Ha? Pano mo nalaman?", nagtatakang tanong ko.

"Oh right, hindi mo pa pala alam. I can read minds.", sabay turo niya sa ulo niya.

Napa-pout naman ako. "Gusto ko 'rin magkaroon ng ganiyan ihh!"

"Pero hindi natin alam kung ano ba talaga ang abilidad mo, Chelsea. Magpapakita 'rin 'yan sa tamang panahon. Patience is the key.", she winks.

Excited na 'rin akong magpakita ang mahika ko pero I doubt that I will be having such powers or ability. Nakakainis man isipin, pero alam kong wala akong ganoon. Pero umaasa ako, na sana kahit simpleng mahika lang, sana meron ako.

"Chelseababes, pwede ka bang tanungin?", biglang sulpot ni Jason.

"Nagtatanong ka na.", pamimilosopo ni Lorraine. Binelatan naman ito ni Jason na parang bata.

"Chelseababes! Pwede ka bang ligawan?"

"Ano ba naman 'yan, Jason..."

"Tol! Ayos ka ha! Dadagdag mo pa si Chelsea sa listahan mo pero tol! Okay yan!"

"Ew sa pangit mo na 'yan mag papaligaw sayo si Chelsea?"

Napatikom ako ng bibig ng magsiingay silang lahat... maliban sa asungot. Lahat ng mga ito ay may sari-sariling komento pero si Jason naman ay parang tuta kung makatingin saakin.

Marry me--- este ligawan kita ha ha ha.", awkward na pagkakasabi ni Jason.

"Uhmm...", napatingin ako sa bawat sulok ng kwarto, naghahanap ng maisasagot sakaniya.

Hindi naman sa pangit siya, ang gwapo niya nga, kaso ayokong magpaligaw marahil hindi ako komportable dito at sa tingin ko ay hindi ko siya magugustuhan.

Bigla nalang natawa si Lorraine habang nakatingin saakin, "Nice, Chels."

Omg! Mind reader nga pala ito.

"Lorraine naman, ang sama-sama mooo, binabasa mo nasa isip ko.",reklamo ko dito habang nakabusangot. Doesn't she even know what privacy is?

"Hoy, Lorraine! Anong sinabi ni Chelsea sa isip niya?", lumapit si Jason kay Lorraine.

Magsasalita na sana si Lorraine nang biglang bumukas ang pintuan ng Training Area at nakakita ako nang cute at mala-anghel na babae. At sinundan ito ng mga nag gwagwapuhan na lalaki at nag gagandahang mga babae.

"Finally! Nandito na rin kayo!" Sabi ni Hesly sabay tayo. Tumayo na 'rin sina lorraine except samin ni na Nathan na prenteng nakaupo pa 'rin.

Eh hindi ko naman sila kilala. Ano? Makikipag hello ako sa kanila? FC lang?

"Hindi mo ba babatiin mga kaibigan mo?", tanong ko dito habang nakatingin sakanilang nagbabatian at nagyayakapan.

"Wala akong kaibigan.", tipid nitong sagot. Sa totoo lang, rineregla ba ito? Palagi nalang masungit kala niya naman ikinagwapo niya 'yan.

Tumingin sakin ang isang lalaki na may bangs at nakasumbrero. "Hesly! Sino siya?!" Na-eexcite na sabi niya at lumapit sakin sabay tabi sa tabi ko.

Huhu. Cute niya. Sarap kurotin ang pisnge niya. His face is chubby pero payat katawan niya. Oh my...

Napatingin naman silang lahat saakin dahilan para maging center of attention ako. Bigla naman namula ang mga pisnge ko dahil sa hiya. "H-Hi...", sambit ko sa mga ito.

Napalapit naman sila sakin sabay tanong, "Sino siya?", they asked in chorus. All of their eyes are full of curiousity at halatang pinagmamasdan ang pagkatao ko.

Lumapit sakin si Hesly at pinatayo ako. "Well, she's our new friend! Meet Jade Chelsea!" Masayang sabi ni Hesly sakanila at pinulupot ang kamay sa akin.

"Woah..." sabay na sabi nila habang nakatingin sakin. Napakunot-noo naman ako. Bakit? May dumi ba ako?

"Nagagandahan lang sila sayo hihi!" Bulong sakin nitong katabi ko.

Tumayo si nathan, "Cut the drama, let's start..." pabalang na sabi nito.

"Huy! Wala pa yung pinsan mo. Hintayi---" napahinto sa pagsasalita yung babaeng blonde ang buhok dahil bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat dito.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at parang hinigitan ako ng hininga dahil sa lalaking pumasok mula rito.

It's true what they say, expect the unexpected.

Because expecting the expected phenomenon will shatter you, unlike expecting the unexpected.

What a dumbass. Nandito ka lang pala sa Crimson Academy.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon