Bibliophile

26.9K 740 2
                                    

Nanghihinang napaupo kami sa mga upuan namin sa aming mga upuan sa loob ng Cafeteria. Kahit ako ay nanghihina dahil sa nangyari kanina.

I don't know what kind of power he has but it's definitely not a joke.

Napansin ko 'rin ang biglaang paghaba ng aming mesa at hindi ko alam kung paano ito nangyari. Marahil siguro ay kagagawan ito ng mahika. Pero hindi ako sure ha?

Nakakailang lang dahil nandito na naman ako sa Dexra Evenfall. Oo, nakikibelong lang ako. Ganito 'rin lang naman diba? 'Yung akala mo tunay mong barkada tapos 'yun pala nakiki-belong ka lang pala at pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo sa isang magbabarkadang ayaw naman talaga sayo.

Si Hesly? I don't know but i'll consider her as one of my friends? Uhm, i'm not 100% sure.

Speaking of Hesly, mabilis siyang gumaling dahil pinainom siya nang nurse ng isang potion sa clinic. Kaya pagkatapos ng aming laban at paglabas namin ng training area, nadatnan namin si Hesly na naglalakad na sa hallway noon.

To think that, after all that mess, nagawa pa 'rin nila Lorraine at Hesly magdaldalan a para bang wala lang 'yung nangyari kanina.

Sa dati pa 'rin ako umupo. Marahil permanent seat na ata nila 'yan kaya lahat sila sa dating puwesto nakaupo. Nadagdagan nga lang ng mga upuan. Halos patayin na ako ng ka- awkwardan dahil magkaharap kami ni Carlo at magkatabi kami ni Nathan. Teka--- ba't ko naman siya naisip?

"Okay mga 'tol, ano gusto niyong pagkain?", tanong ni Charles ng pumunta sa harap namin ang waitress. Ngunit ibang waitress na ang pumunta dito.

Halos manlaki pa mga mata ko ng makitang isang manipis na mini skirt ang suot nito at isang uniform na halos iluwa ang suso niya. Hindi makakaila na tunay ngang maganda katawan nito, pero ang mukha? Huwag nalang natin pag usapan kung gaano kakapal ang kaniyang dark rose na lipstick.

Girl, hindi bagay.

"The same.", saad ni Nathan. Nginitian ito ng waitress at isinulat ang order nito.

"Ayaw mo ba 'tol nung bagong dish na sineserve nila?", tanong ni Charles, umiling lang ito. "Sayo, Chelsea?"

Napakamot nalang ako sa batok. Nakakahiya pala kapag nakaupo ka sa table ng Dexra Team. Palagi ka nalang ililibre sa lahat ng bagay na gusto mo. Sabi daw kasi kumikita sila ng allowance mula sa Headmistress pero 'yung ibang estudyante hindi.

"K-Kahit anong gusto niyo.", nahihiya kong pahayag.

"She should buy on her own. Palagi niyo ba 'yan nililibre? My God naman...", nag roll-eyes pa si Quinn dahil dito.

"Shut up, Quinn.", suway dito ni Lorraine pero umirap ito sa hangin. Kung akala ko kanina ay wala akong magiging problema sakanila, pwes ibahin na natin si Quinn.


"And also, bakit ba nandito siya sa mesa ng Class A? Anong meron? Katulad ba natin siya?", tanong nito at bahagya pa akong tinignan taas baba.

Napayuko nalang ako ng dahil sa isa.

Right. I'm not one of them. Nakikibelong lang ako sakanila. Masyado na ba akong feeling close sa mga makapangyarihang mga immortal na ito?

Maybe she's right. I'm not a part of their friendship or whatever they have.

"A-Alis nalang a-ako...", akmang tatayo ako ng pigilan ako ni Hesly at matiim na tinignan si Quinn.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon