Friends with Benefits

24.2K 598 43
                                    

A/N: SEXUAL CONTENT AHEAD. SKIPPED THIS PART IF YOU ARE 17 YEARS OLD AND BELOW OR YOU DISLIKE READING SPG CONTENT.




•••



Mabilis na kumalap ang balita tungkol sa pagiging traydor ko sa eskwelahan.

Ni hindi ko aakalain na sa sobrang inis nang mga estudyante saakin, aabot sa punto na gugustuhin talaga nila akong siraan sa harap mismo nang headmistress. Kahit ang Head ay naniwala sa mga pinagsasasabi estudyante.

But who really did stole the vial blood?

I really think that someone is messing with me. And I don't know who it was, at kung sino man iyon, wala na akong pakialam dahil aalis na 'rin ako nang Crimson Academy.

The Headmistress already declared about my leave. She would want to transfer me to another academy instead of keeping me here as a prisoner.

Kasalukuyan na akong nag iimpake ngayon. Kinukuha ko na ang lahat nang gamit ko dahil pagkatapos nang sembreak, hindi na ako babalik pang muli dito sa Academy. I would be no longer a Crimson Student. The Head said, someone would be escorting me to my new school; Leighton Academy.

It's so sad to think that my departing with my friends would be like this. Even they, don't know about my leave.

Pagkatapos mag impake ay naligo na ako at ginamit ang blower ni Yessa na kinuha ko lamang sa kwarto niya kahapon.

Nagsuot lang ako nang skirt at long sleeves at isinuksok ito sa ilalim nang skirt. Actually, bigay lang ito saakin ni Yessa. Ang pinagkaiba kasi namin dalawa ni Yessa, she's a sassy and stylish lady unlike me.

Nagpulbos lang ako at ginamit ang bigay saakin ni Yessa na pink glossy lipstick na galing pa doon sa beach na pinuntahan niya.

Kinuha ko na ang maleta ko at binuksan na ang pintuan. Napasimangot ako nang makita si Yessa na nakatayo sa harap nang pintuan.

"Let me guess, papasok ka na naman nang kwarto ko nang hindi kumakatok?", taas kilay kong tanong dito. Napakamot naman ito sa batok niya at napa-peace sign.

Kahit minsan lang talaga, hindi man lang ito marunong kumatok si Yessa basta-basta nalang mambubulabog.

Ihahatid ako ni Yessa sa grassfield ngayon dahil hindi naman siya aalis nang Crimson Academy. Saka gusto ko sanang isama si Carlo papunta sa mundo ng mga tao kaso nagbago na ang isip ko. Baka malaman pa niyang ililipat na ako sa Leighton University. I don't want any of my friends cry in despair.

"Chels, are you listening?"

"Ha? Oo.", tugon ko nalang dito.

Pagkatapos naming magusap ni Carlo noong araw na iyon hindi ko na ulit siya makita. Umalis na naman ata dahil sa isang misyon. Even the Dexra Evenfall. Napaaga ba ang bakasyon nang Dexra Evenfall o kaya naman ipinadala sila nang Headmistress sa isang misyon?

"...dali!", yinugyog ni Yessa ang magkabilang balikat ko. Tumango nalang ako at nagpakaladkad sa kanya papunta sa kung saan.

Ang dami kong prinoproblema, kapag ipinagsasabay kong isipin silang lahat mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. Wala naman akong ginagawang mali pero sadyang lapitin lang talaga ako nang mga problema.

"Oh dali na~!", saad ni Yessa sabay bukas sa isang pinto at tinulak ako papasok.

Minsan talaga hindi ko maintindihan pinagsasasabi nang babaeng iyon. O sadyang hindi lang ako nakikinig sakaniya? Ang sakit na nang ulo ko tapos proproblemahin ko pa 'yon?

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon