The Saviour and The Guardian

25.6K 686 15
                                    

Sinimulan ng igalugad ng Dexra Evenfall ang kanilang mga tingin saamin marahil gusto nilang pumili ng responsableng elementian. Hindi ko man sabihin pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko 'rin na piliin nila ako.

Pero ano naman ang maiaambag ko sa Dexra Evenfall? Daldal? To think, wala akong mahika.

At saka walang pag-asa na makikita nga nila ako dahil nasa pinakalikod ako. Hmp, kung hindi lang sana kami na-late dito. Nakita kong pinili ni Charles ang babaeng mukhang hindi ko kaedad. Mukhang mas bata siya pero nakahigh-heels na. Ang gara naman.


May mga suot-suot pang bracelets at earrings na malalaki. Ano siya? Christmas tree? Kulang nalang bigyan siya ng star sa noo.

Sa gitna ng aking pagsulyap sa Dexra Evenfall ay biglang sumikip ang dibdib ko kaya napahawak naman ako dito.

"Y-Yessa..."

Napatingin naman ito saakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat para tulungan ako. "Huy, Chels! Ayos ka lang ba, Chels?!"


At nang dahil sa napakalakas na bunganga ni Yessa ay napatingin saamin ang mga estudyanteng kanina lamang ay nakapokus sa unahan.

"Gosh, 'yan yung transferee diba?"

"Bakit ang ingay-ingay nila? Papansin na naman ba?"

"Tsk, hindi na nahiya. Kulang talaga sa mga pansin."

"Hi babes ko!"

Imbes na pagtuonan sila ng pansin ay mas nakukuha ng atensyon ko ang kirot sa dibdib, "P-Parang umiikot ang...paligid----nahihilo ako... Y-Yessa---"

Hindi ko na nasabi dahil sa sobrang bigat nang naramdaman ko. Nalamayan ko naman na natumba ako at nawalan ng malay.


Third Person's View

Lahat ng estudyante ay napatingin sa pinanggagalingan ng boses kung saan may sumigaw. Pati na 'rin ang Dexra Evenfall na kasalukuyan sanang kinakausap ang kanilang napili.

Hinawi ng Dexra Evenfall ang daan upang makapunta sa pinanggagalingan ng sigaw. Ganoon na lamang ang gulat nila ng makitang pamilyar ito.

"Chelseababes? Nandito pala si Chelseababes.", parang wala lang na sambit ni jason. "Hi babes ko!", tawag ni Jason dito.

"Ayos lang ba siya? Bakit parang---", naputol ang sasabihin ni Hesly nang bigla itong natumba at kasabay nito ang pag kulay pula ng kalangitan.


Agaran naman nagsibulungan ang mga estudyante at ang iba nama'y kinakabahan sa kung ano ang nangyayari. Ramdam na ramdam nila malakas na kapangyarihan na nanggagaling sa kalangitan.

"What is this intense magical power?", katanungan ng iba sa kanilang mga isip.

"Isn't this a surprise."


Umalingawngaw ang isang boses na nakakapangilabot na nagmumula sa kalangitan dahilan para magpanic ang estudyante.

Mula sa kalangitan ay nagpakita ang isang lalaking malademonyong nakangiti sa kanila. Agaran naman itinakpan ng Headmistress ang kaniyang mga estudyante at seryosong tinignan ito.


"The enemy's second-in-command.", the headmistress uttered. Ang natatanging pinagkakatiwalaan ng pinuno ng mga kalaban.

Kung tawagin ay Chaos. Walang sinuman ang nakakita pa rito subali't ramdam nila ang galit nito tungo sa Elementians. Ito ay nagmumula sa Wrath Island kung saan isang napakalaking isla na punum-puno ng masasamang nilalang.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon