Answer

26.9K 707 9
                                    

Hanggang ngayon ay lutang pa 'rin ako habang nakahiga sa kwarto ko. Kakarating lang ni Yessa kanina, at sasabihin ko sana pero nag bago na ang isip ko. Wala na, tinatamad na akong sabihin.

At hanggang ngayon napaparanoid pa 'rin ako. Pakiramdam ko kahit nakahiga ako, may nakatingin saakin. Idamay mo na pati pag ligo ko.

Kaya nga ilang minuto nalang ako kung maligo. Hoy! Wag kayo, kahit hindi ako maligo ng isang linggo, mas mabango pa 'rin ako kesa sa sainyo.

Sasama sana ako kay Yessa kanina pero naalala kong pupunta pala dito si Nathan ngayon.

Nakaalis na 'rin si Yessa kanina pa kaya walang-wala talaga akong magawa. Isang oras na akong nakahiga sa kama at hindi ako dinadalo ng antok. Ayoko 'rin namang matulog kasi baka kung ano pa mapanaginipan o makita ko pag gising ko.

Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong kumulo. Gutom na naman. Halos kada isang oras na nakakalipas, pagkatapos, gutom na naman ako.

Gusto ko lumamon. "Hay, kung may pancake lang sana dito."

Nabigla ako ng may narinig akong kalabog sa ibaba ng kama ko kaya napaupo ako at napatingin sa ilalim nito. Tangina daga ba yon?

Ganun na lang din ang bigla ko ng makakita ako ng isang tray. "Saan ito nanggaling?", nagtatakang tanong ko at hinila ito palabas ng kama. "Wtf..."

Anong nangyayari sa buhay ko at bakit napakamisteryoso ng mga nangyayari? Kanina lang may nakausap akong pekeng Yessa at Carlo. Tapos ngayon, kama na naglalabas ng pancakes?!

Ipinagsawalang bahala ko na ang mga bagay na nasa isip ko at dali-dali kong kinuha ang tray ng pancakes at naupo sa kama. Kinuha ko ang tinidor sa gilid nito at nilamon ang pancakes.

Paano kaya nagkaroon nito dito?! Bahala na nga. Ang importante ay makakain ako nito dahil ang sarap ng nagluto nito. Wala akong pakielam kung may lason ito basta bago ako mamatay, makakain ako ng masarap.

●●●

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nagbihis. Pumasok 'rin ako sa kwarto ni Yessa para hiramin ang blower niya pero nahagip ng mga mata ko ang isang gintong libro na nasa ilalim ng kama niya.

Kunot-noo ko naman itong kinuha sa kama niya at nabigla ng makilala ang libro. "Bakit nasa ilalim ng kama ni Yessa ang Sacred book?"

Sa pagkakaalam ko nasa drawer ko ito nakalagay at wala naman akong maalalang pinahiram ko ito kay Yessa. Imbes na magpakain sa kuryosidad ay hinanap ko nalang ang blower at tinuyo ang buhok ko.

I'd really want to spent my time alone inside the dorm but that dopplegangers were freaking me out.

(A/N: Search niyo meaning para hindi 'rin kayo kainin ng kuryosidad diba. Oh gusto niyo si Nathan kumain sainyo.)

Lumabas na ako ng kwarto ni Yessa kasama ang Sacred Book at akmang maghihintay sa living room subali't bigla akong napatalon sa gulat nang mahagilap ko si Nathan na prenteng nakaupo sa sofa.

"N-Nathan...", namimilog ang mga mata ko habang nakatingin dito.

Feel at home siya?! Hindi niya ba alam na hindi naman niya dorm itong pinapasukan niya?

"Took you long enough.", tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan at lumapit saakin.

Teka nga lang, baka doppleganger 'rin ito katulad ng naencounter ko kaninang pekeng Yessa at Carlo?

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon