Power and Strategy

23.1K 586 22
                                    

I thought the Professor would divide us into two teams with twelve members. But he have probably change his mind due to my presence.

Oo, sumali pa 'rin ako. Tinanggap ko ang sinabi ni Professor na sasali ako kahit pa sabihin na nating hindi ko magagamit ang mahika ko.

'You can join but you are not allowed to use your magic because it's dangerous. Is that clear?"

Napabuntong-hininga nalang ako habang inaalala ang mga huling sinabi saakin ni Professor Kiro bago ako payagan.

Katatapos lang ng naunang dalawang team. Ang Team A at Team B. Ngayon naman ay kami na ang susunod. Ngunit pipili palang ng isasali ang professor.

"Team A! Come forth.", Professor cleared his throat while looking at the list. "Kristine, Zianne, Yessa, Jason, Hesly, Lorraine..."

Pumunta naman sa unahan ang mga ito at nagsilayuan, malayo saamin. May sari-sariling mga reaksiyon ang mga ito sa kanilang team at napasimangot ako nang malaman kung kanino ako nakateam up.

"Hey guys! Good luck! See you in hell!", masayang sambit ni Hesly habang kumakaway mula sa malayo.

"The rest will be the Team B!",

Napatingin ako sa mga kasama ko at napangiti nalang ng tabingi nang makilala ko ang mga ito. Joseph, Rico, Charles, Axyll, at Nathan.

Hindi ko sila kaclose eh!

"Listen A-1! All you have to do is fight each other, the last team standing will be the winner. And if I am enlightened with your skills during the battle, I will give you plus points.", inulit mo lang naman yung sinabi mo kanina. "I will give you 5 minutes to get ready! Time starts now."

Napalunok ako habang napapakurap-kurap nalang. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko para bang lalabas na puso dahil sa kaba. Hindi ko kaya 'to pucha.

"Right, we've done this the last year and I hope we would win today.", sambit ng babae.

Last year? So hindi lang ito ang first time nila? Kaya pala mukhang hindi sila kinakabahan eh!

"Gather in a circle.", utos ni Nathan.

Nagsisunuran naman ang mga ito kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang 'rin. No one told me na pati dito lider lideran siya ish.

"Okay so we should have our charger and also damage dealer.", sambit nito. Kahit wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasasabi nila ay nakinig nalang ako.

Parang pag naggru-groupings lang kami sa Math eh! Taga kinig lang ako. Wala akong maiambag sakanila eh kundi kabobohan ko.

"Oh, what about a long-ranged and melee short-ranged?", Axyll suggested.

Kunot-noo naman napaisip-isip si Nathan kung ano ang kayang gawin namin. Syempre exception ako dahil sa ngayon ay wala akong maiaambag kung hindi ay ang magdisplay.

"That's a great idea. Who would volunteer to be a long-ranger and a melee ranger?", tinignan naman kami ni Nathan isa-isa. Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Uhh I think none of us are capable of that performance.", Rico stated.

"I can.", nagtaas ng kamay si Joseph kaya napatingin kami dito.

"But your power is just being their doppleganger.", Axyll retorted.

"Oo kaya kong gayahin ang anyo nila, but one thing you don't know is I can also mimic their magic powers.", ngumise-ngise naman si Joseph dahil dito. "Pero kailangan KO silang masugatan para magamit ko ang mahika nila.", inemphasize pa nito ang salitang 'ko'.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon