Crimson Academy

34.3K 940 26
                                    

Chelsea's POV

Pumasok na kami sa loob ng napakalaking gintong gate. May 'CA' na pulang marka sa itaas ng gate. C sa isa, A sa pangalawa.

Nagmimistulang palasyo ang lugar na ito dahil sa ubod ng kagandahan.

Napakalaki, parang sakop ang isang siyudad. Bawat hakbang ng aking mga paa ay inililibot ko ang aking paningin.

Hindi 'rin nakaiwas saaking pandinig ang mga bulungan ng mga estudyante habang naglalakad kami papasok.

"Bagong estyudante siguro dito..."

"Siguro bisita?..."

"Eww nerdy siya..."

Palihim akong napataas ng kilay. Nerd? Atleast may utak eh kayo?

Hinawakan ako nung babaeng kumaladkad saakin sa braso at nginitian ako nito. "Hayaan mo na sila, ganyan talaga ang mga 'yan pag may bagong estudyanteng dumarating dito."

"Walang pinagbago, may bully pa 'rin kagaya sa Mackenzie school.", bahagya akong natawa.

Actually, nagsasawa na 'rin ako sa ganitong cycle. Araw-araw may nangaaway.

Naparaan kami sa isang fountain na nasa gitna ng dinaanan namin. Kumikinang ang tubig na para bang sobrang linis nito.

"Okay lang 'yan! You can cope up with them!", she cheered. "By the way, my name's Ericka."

So, Ericka pangalan niya.

"Chelsea.", tipid kong sabi.

Kumaliwa kami ng dinaraanan at natagpuan ko ang aming sarili sa hallway. Pinagtitinginan ako marahil nagtataka kung bakit may nakapasok na taga ibang eskwelahan. Siguro napansin nila dahil sa kakaiba ang uniporme kong suot.

"Trust me. Masasanay ka sakanila. Ganyan 'rin ako dati pero tignan mo ngayon, mas malakas ako sakanila.", proud na sambit niya. Natawa naman ako.

Mukha naman talaga. She seems so fierce but kind.

Biglang tumunog ulit ang aking tiyan kaya napasimangot ako.

Eto kasing lalaking tinawag akong 'kid'! Hindi ako pinakain muna.

"Pwedeng bumili muna tayo ng pagkain? Gutom na ako..." nahihiya kong sabi at hinimas himas ang aking tiyan.

"Walang tayo..." sambit ng babaeng may strands na kulay lila ang buhok at tumawa.

Bitter ba ito? Bakit ang daming bitter sa mundo?

"Sure miss biyutipol..." sabay kindat at akbay sakin nung jason.

Nabigla naman ako sa ginawa nito. Habang inirapan naman siya ni Ericka.

"Hoy! Huwag mong chansingan ito! Hindi kayo bagay. Pangit ka at maganda 'to!", saad ni Ericka.

Pinilit ko naman ang sarili ko na hindi tumawa dahil sa sinabi niya.

Did that hurt his feelings?

Masyado kasi siyang flirty...at mahangin.

"Nahiya naman ako sa mukha mong mukhang kambing.", sabay binelatan ito ni Jason.

Sa isang iglap ang bigla na silang nawala sa paningin ko kaya napatingin ako sa paligid ko.

"BUMALIK KA DITONG TUKMOL KA AT MAKAKATIKIM KA NG BAGSIK NANG KATULAD KO!", Sigaw ni Ericka sa malayo habang hinahabol si Jason.

Hala okay lang ba sila?

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon