Examination

24.4K 624 25
                                    

TheBitterCupid:

Hi @celinebombasu! This chapter is dedicated for you as an appreciation for your support.





●●●



Kinakabahan ako habang naglalakad kami ni Yessa sa hallway papunta sa training ground. Yessa was back to her old usual self simula kaninang umaga. 6:51 ay papunta na kami marahil magsisimula ang laban alas-sieyete ng umaga.

Nakatrack suit kami ngayon also known as our P.E. uniform. Hindi ko naman inakala na ganito pala ang tawag nila sa P.E. uniform nila. Track suit.

Hinimas-himas ni Yessa ang likod ko habang naglalakad kami, "Chill out, Chels. Exam lang naman 'yon.", saad nito.

Natigilan ako sa sinabi nito. "E-Exam?"

"Why? I thought you know already. Our show-off for today is an examination. The points that would be given to us is equivalent to our grades."

Para naman akong mabibilaukan sa sarili kong laway dahil sa sinabi nito. Sino ba naman ang hindi kung ngayon mo lang nalaman na EXAM na pala ito?

Pucha. Yawa yawa yawa yawaaaaa...

Dapat kasi sinabi ng Professor mas nang mas maaga! Hindi yung 2 days lang ang ibibigay na araw para makapag training kami!

"P-Parang gusto ko nalang mag b-back out.", nauutal kong sabi.

Yung kabang nararamdaman ko kanina, mas nadagdagan pa.

Pag dating namin sa training ground ay bumungad saamin ang napakaraming estudyanteng taga-ibang division at section. Pagpunta namin sa gitna ay naroroon ang A-1 section na naka-track suit. Halata sa mga itong parang wala lang sakanila ang event ngayon. Eh kasi marunong na sila ako hindi pa!

Pero bakit may audience kami na mga estudyante?! Gusto ba ng Professor ikalat ang kahihiyang gagawin ko mamaya?

Mangiyak-ngiyak akong napahawak nang mahigpit kay Yessa. Natatawa naman ito sa reaksiyon ko. "Don't worry, Chelsea. Hindi naman ito nakakamatay."

"Hey, Guys!"


Napabaling kami sa direksyon ni Hesly na kumakaway at papunta sa direksyon namin kasama ang Dexra Evenfall. Agad akong napakunot ng noo nang makitang nakatrack suit din si Kristine habang nakapulupot kay Nathan.

Wait, is she---


"Hi Chelsea!", bati ni Kristine saakin. "Just so you know, linipat ako nang headmistress dito sa A-1 section."

Napabaling naman ako kay Yessa para tignan kung ayos lang siyang nandito yung babae pero parang wala lang ito sakaniya. Ni hindi nga niya napapansin presensya nito.

"Chelseababes! Namiss kita!", akmang yayakapin ako ni Jason nang umiwas ako dito at nagtago sa likod ni Hesly. "Hala, hug lang naman ih. Damot mo."


"Tol, ambaho mo daw kasi.", sabay halakhak ni Charles.

"Kesa sayo, nakikipag landian sa amoy putok natin na kaklase!"

"A-1 Section! Come forth!", umalingawngaw sa training ground ang boses ng Professor namin.

"Oh! It's starting. Let's go!", sambit ni Hesly at hinila ako papunta sa gitna kasama ang mga A-1 Section.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon