Nine o' clock

27K 434 8
                                    


"Malapit na mag nine o' clock.", kinakabahan kong sabi habang naglalakad kami sa isang open-wide space papuntang gubat.

"Anong pinagsasasabi mo diyan, Chels?", tanong ni Hesly.

"Kanina ka pa may issue sa nine o' clock na 'yan.", natatawang sabi ni Charles.

Kinunotan ko naman ito nang noo. "Bakit parang wala lang sainyo?"

"Ha?", nalulutang nilang tanong habang naglalakad kami.

"Bakit parang wala lang sainyo na darating na maya-mayang alas-nuwebe ang mga kalaban?"

Tinignan naman ako nang mga ito ng matagal na para bang nawiweirduhan sila. "Anong pinagsasasabi mo, Chels?", ngingiti-ngiting tanong ni Lorraine.

"Diba sabi ni Yessa mamayang nine darating ang mga kalaban?", inalis ko ang kanina pang nakapulupot na kamay ni Jayden saakin.

Natawa naman si Jason dahil sa sinabi ko. "We don't even know the exact time when Chaos will arrive though, Chelseababes."

Hindi nila alam? Pero bakit si Yessa alam niya kung anong oras darating ang mga kalaban? She's even certain on what she have informed me.

"But Yessa said so. She's certain it's 9 o' clock."

"Hmm...", pinanliitan ako nang mata ni Lorraine. "Okay then, let us see if it's really nine o' clock! Adiós!"

Nagtaka ako kung bakit biglang humiwalay saamin si Lorraine matapos na makapasok kami sa kagubatan. Napamangha 'rin ako dahil sa galing tumalon ito nang napakataas at tumakbo sa mga puno.

"She will be helping the spell casters to set traps. Her strings are capable of being traps.", Hesly informs.

Napatango-tango nalang ako. Nakita ko itong tumingin sa orasan niya. "It's eight, forty-five."

"Fifteen minutes left.", mahina kong tugon habang nanlalamig ang mga kamay.

"Sigurado ba talagang nine o'clock? How could she guess the time if so?", tanong ni Hesly na alam niyang wala ni isa saamin ang makakasagot.

"Gather in your positions. The only task for now is to clear the stages.", seryosong sabi ni Nathan.

Tumango sila at nakitango nalang 'rin kami ni Jayden dahil hindi namin alam kung ano ang plano nilang Dexra Evenfall.

Nagsitalon sila sa mga puno at kami nalang ang natitira ni Jayden na nasa ibaba.

Tangina, paano sila nakatalon sa puno nang ganoon kadali?

"Hmm... anong gusto mong puno, Insan? Yung puno ng mangga o puno ng mansanas?", sabay turo ni Jayden sa dalawang puno.

Binatukan ko naman ito. "Huwag ka nang mamili! Buhatin mo ako at pumunta ka na 'rin sa kahit anong puno!"

"Wow, persistent. Nice, Chelsea.", natatawang sabi ni Charles.

Humagikhik naman na parang bata si Jayden at kinarga ako na para bang wala lang sakaniya ang aking bigat. "Hihi doon tayo sa puno ng mangga!"

Naipulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg nang bigla itong tumalon nang napakataas at lumanding sa sanga nang puno na para bang kontrolado niya ang Gravity.

Ipinaupo ako nito sa sanga nang puno, at siya naman ay kumuha nang mangga at hindi nagdalawang isip na kumain.

Cause of death nito, paniguradong lason kasi kung ano ano nalang kinakain.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon