Chapter 2

435 18 0
                                    

(tw // violence)

"Taehyung? Wake up? It's already 8 in the morning!", paggising sa'kin ni Namjoon.

"Kakain kami sa canteen, gusto mong sumama?", tanong sa'kin ni Jimin.

"Sige. Maliligo lang ako.", inaantok pa yung boses ko nung sumagot ako.

"Ok. We'll wait for you.", sagot ni Namjoon kaya lumabas na sila ni Jimin sa kwarto.

Bumangon ako at naligo para hindi naman nakakahiya sa mga kasama ko.

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na kami para mag-almusal sa canteen.

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen, hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa mga babaeng nagbubulungan.

"Sino yan?"

"I don't know? Mukhang transferee?"

"Kakalipat lang dito pero kasama na niya yung GOLDS?"

"Masyadong sipsip."

Bulong pa?

Sana sinigaw niyo na lang?

Sa sobrang hina, naririnig ko na yung mga bulong niyo.

"Okay ka lang?", tanong sa'kin ni Yoongi.

"Oo. Uh.. pwedeng mag tanong?", curious kasi ako sa narinig ko.

"Sure", pagpayag ni Yoongi.

"Ano yung GOLDS? I mean.. sino yung GOLDS?", ang angas lang kasing pakinggan ng pangalan.

"Kami 'yun. 1st year college pa lang, 'yon na yung tawag samin ng mga students dito sa univ kaya ginawa na naming official name 'yon ng group.", kwento niya habang naglalakad kami.

"Aaah~ Pero bakit parang big deal tsaka issue masyado sa mga students dito na makasama niyo ko? Ang daming marites.", sagot ko.

"Hayaan mo na sila. Wag mo na lang pansinin. Mas okay na dito ka sa amin sumama, wag lang sa SPIKES.", sabat ni Jimin.

"Sino naman yung SPIKES?", ang dami naman ng grupo dito?

"Our mortal enemies sa lahat ng bagay. Laging may competition sa pagitan namin. Mayayabang, hambog, tsaka mga basagulero. Kaya nga SPIKES eh, kasi mga malalaking tinik sila sa mga lalamunan namin.", naintindihan ko na dahil sa sinabi ni Jimin sa'kin.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon