Sequel - Chapter 14

164 9 0
                                    

Jungkook's POV:

Nasa bahay na 'ko ngayon.

Nagpapahinga na lang bago bumalik ulit sa trabaho.

Kumusta na kaya si Taehyung?

Nag-aalala ako sa pwedeng gawin ni Joy sa kaniya habang wala ako sa tabi niya.

Hawak ko yung phone ko.

Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan si Taehyung?

"Tawagan mo na kasi. Alam kong kating-kati na yang kamay mo na tawagan si Taehyung.", nagulat ako dahil biglang nagsalita si Jimin sa tabi ng tenga ko.

Bigla na lang siyang sumusulpot.

"Hindi ko alam kung sasagutin niya yung tawag ko o hindi?", baka kasi busy din siya tsaka alam kong gabi na 'don.

"Sasagutin niya 'yan. Alam kong miss ka na 'non. Sige na, try mo na.", pambubuyo niya sa'kin.

Ginawa ko yung sinabi ni Jimin.

Tinawagan ko si Taehyung.

"Hello? Love? I'm glad na sinagot mo yung ta-", naudlot na bungad ko nung iba yung sumagot.

"Hi, Jungkook?", si Joy yung sumagot tapos ang saya-saya pa ng boses niya.

"Bakit hawak mo yung phone ni Taehyung? Na saan siya? Siya yung gusto kong makausap, hindi ikaw.", nanggigil ako bigla sa inis.

"Natutulog na kasi siya dito sa unit namin. Hindi mo na siya pwedeng istorbohin. Napagod kasi siya sa ginawa namin eh. He's very exhausted.", may pagkaflirt sa boses ni Joy kaya mas lalo akong nag-apoy sa galit.

"What do you mean? Subukan mo lang na galawin si Taehyung, I will kill you. Mark my word, Joy!", di ko na mapigil yung lakas ng boses ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Easy ka lang, Jungkook. Ano ba yung iniisip mo? Napagod kami sa kaka-ayos ng manuscript na ipa-publish namin para sa darating na book signing. Dirty mind, ha?", nagawa pa niya 'kong tawanan.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Ibigay mo yung phone kay Taehyung.", nanggigigil na talaga ako.

"Paano kung ayaw ko?", pagmamatigas niya.

"Fine. Bilang na yang araw na ganiyan ka kasaya. Na sa'kin na yung copy ng CCTV. I'm sure na lalayuan ka na ni Taehyung kapag nalaman niya yung totoong ikaw. Sulitin mo na yan, pero wag na wag mong susubukan na landiin ang BOYFRIEND ko. Sa oras na mapahamak siya ng dahil sayo, di mo alam kung ano yung kaya kong gawin. Kahit babae ka, mapapatulan kita.", pagbananta ko.

"Wala namang kwenta yang relasyon niyong dalawa kasi makakasagabal lang 'yan sa career niya dito sa America. Sigurado ako na yung career yung mas uunahin niya kesa sayo. Kaya kung ako sayo, tantanan mo na si Taehyung. Makakasira ka lang sa image niya. Ano na lang sasabihin ng mga fans niya kapag nalaman nila na may BOYFRIEND si Taehyung? Kung mahal mo talaga siya, hindi mo hahayaan na masira yung career niya.", pang-aasar ni Joy kaya nagpanting yung tenga ko.

"At sa tingin mo, magiging successful si Taehyung kung makikilala nila na ikaw yung girlfriend niya? Kayang maging successful ni Taehyung kahit wala ka sa tabi niya.", rebut ko.

"Well, you don't have any choices kung hindi tantanan si Taehyung. Sinisigurado ko rin sayo na walang magagawa 'yang copy mo ng CCTV para maging akin si Taehyung. Mas matagal na niya 'kong kilala kesa sayo, Jungkook. I'm sure na hindi niya paniniwalaan lahat ng makikita niya.", sagot niya sa'kin at binaba na niya yung tawag.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon