Sequel - Chapter 26

172 11 0
                                    

Sinundan ako ni Jungkook hanggang sa makalabas ako ng gate nila.

Bigla niya 'kong niyakap habang umiiyak.

"Love, I'm.. I'm sorry. Hindi namin ginusto 'yon. Aksidente lang yung nangyari, maniwala ka. Please?", paliwanag niya sa'kin habang humahagulgol.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa'kin tsaka ko siya hinarap.

Di ako makapagsalita at ang sikip-sikip na ng dibdib ko sa kakaiyak.

"B-balikan mo na siya.. sa loob. Sige na. Mas.. kailangan ka niya. Hayaan mo na.. lang akong umalis. Wag mo na 'kong susundan.", di na 'ko makapagsalita ng maayos at hikbi na 'ko ng hikbi.

"Wag mo 'kong iwan. Hindi ko kaya, Love. Please? Please, stay with me? Wag mo naman akong bitawan? I'm begging you.", pagmamakaawa niya sa'kin tsaka siya lumuhod at hinawakan yung mga kamay ko.

"Kookie? Listen to me, o-okay? Mahal.. na mahal kita, pero mas.. kailangan ka niya. May responsibilidad.. ka na sa kaniya at priority mo na siya.. pati yung magiging anak niyo. Sa kaniya mo na lang ibaling lahat ng pagmamahal mo sa'kin.. pati sa magiging baby niyo. Panagutan mo siya, Jungkook. Wag mong.. hayaan na mawalan ng tatay yung magiging anak mo.. dahil sabi mo sa'kin, ayaw mong mangyari sa magiging anak mo yung nangyari sayo.", emosyonal na sagot ko.

Ang bigat na ng nararamdaman ko, sobra.

"Please, wag mong gawin sa'kin 'to. Don't leave me, please?", pagmamakaawa niya tsaka ko siya pinipilit na patayuin pero ayaw niya.

Hinihila ko na yung kamay ko pero pilit niyang inaagaw sa'kin.

"Kailangan nating.. gawin yung tama, at ito 'yon. Basta, ipangako mo sa'kin.. na mamahalin at aalagaan mo yung mag-ina mo. Wag mo silang pababayaan, o-okay? Promise me.", sagot ko habang umiiyak tsaka siya tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

"No. Ayoko. Dito ka lang. Wag mo 'kong bitawan, please? Please, Love?! I'm begging you!", di ko na kayang marinig yung hagulgol niya kaya kumalas na 'ko sa yakap niya sa'kin.

Hinalikan ko muna si Jungkook sa labi for the last time bago ako umalis at umuwi ng bahay.

Ang hirap ipaubaya si Jungkook sa iba.

Ang tagal kong hinintay na mahalin niya 'ko.

Ang tagal kong naghintay na maging kami.

Ang dami na naming napagdaanan sa buhay.

Ang daming beses na rin na pinaglaban namin yung isa't-isa.

Pero hindi ko alam na dito na pala kami magtatapos?

Sa isang iglap, bigla na lang siyang mapupunta sa iba dahil 'yon ang tamang gawin.

Masakit sa'kin na makipaghiwalay kay Jungkook, pero mas gugustuhin kong gawin ang nararapat para sa magiging anak niya.

Pag-uwi ko sa bahay, nakita ni ate at ni Dahyun na namamaga yung mga mata ko dahil sa kakaiyak ko.

"Tae? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak? Tsaka, bakit ang bilis mo? Nag-away ba kayo ni Jungkook?", tanong ni Dahyun sa'kin kaya bumuhos na naman yung mga luha ko.

Lumingon ako ng dahan-dahan kay Dahyun at nagsimula na namang humagulgol kaya niyakap niya 'ko bigla.

"Si.. s-si Jungkook, m-may.. nabuntis.. n-nabuntis siya. Nakita ko.. mismo na.. nakaluhod yung.. yung babae sa kaniya.. habang umiiyak at.. nagmamakaawa na panagutan siya.. ni Jungkook,", di ako makapagpaliwanag ng maayos dahil sa kakaiyak ko.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon