Chapter 5

359 19 0
                                    

Yakap-yakap parin niya 'ko habang nagpupumiglas ako.

"Hindi ako si Sana!", irita kong reklamo sa kaniya.

Nagulat ako dahil may sumigaw.

"Poooorn!", sigaw ni Hoseok.

Binitawan na 'ko ni Jungkook kaya nalaglag ako sa sahig.

"Shit! Para akong mababalian ng buto?!", daing ko habang namimilipit ako sa sakit.

Nilapitan ako ni Seokjin para tulungang tumayo.

"Bakit ka ba kasi nakapatong sa kaniya?", tanong niya.

"Inaalalayan ko lang naman siyang maglakad tapos humiga siya sa may sofa. Hatakin ba naman ako? 'Yan tuloy? Napaibabaw ako sa kaniya.", mahinahon kong reklamo kay Seokjin.

"Hayaan mo na siya diyan. Bumalik ka na sa kwarto. Magigising din siya.", sinunod ko na lang yung sinabi niya sa'kin.

Pumasok na kami sa loob ng kwarto at hinayaan si Jungkook sa sala.

•~•

Paggising ko, nakita ko si Jungkook na gamit yung laptop niya.

"Oh? Okay ka na ba? Baka may hangover ka pa? May pasok na tayo kaya maligo ka na.", ang bait-bait ko ngayon kay Jungkook kasi wala ako sa mood mainis at makipagtalo na naman sa kaniya dahil kakagising ko lang.

Hindi niya 'ko pinapansin kaya lumapit ako sa kaniya.

Nakita ko yung wallpaper niya sa laptop. May kasama siyang babae.

"Sino yan?", curious lang naman ako.

"It's none of your business.", iritang response niya tsaka niya sinara yung laptop niya at nagwalk-out papuntang CR para maligo.

Bubuksan ko sana yung laptop niya nung bigla siyang sumigaw.

"Subukan mo or I will break your neck?!", galit na sabi niya.

Lumayo na lang ako sa laptop niya.

Paano niya 'ko nakita?

Nasa loob na siya ng CR ah?

May CCTV ba sa loob ng CR na hindi ko nalalaman?

Pinoy Big Brother ba 'to?

•~•

Habang naglalakad ako papunta sa room sa first subject ko, hindi ko alam kung bakit ako sinusundan nina Jimin?

"Bakit kayo sumusunod? Relax lang. Wala naman yung SPIKES sa paligid", natatawa kong sabi sa kanila nina Namjoon.

"Di mo ba alam? Magkaklase lang tayo. Same tayo ng first subject.", sagot ni Jimin.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon