Sequel - Chapter 10

187 11 0
                                    

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Jungkook.

Ayoko munang makipagkita sa kaniya.

"Seokjin? Bakit kayo napadalaw dito sa bahay?", bungad ko sa kanila kasi biglaan yung pagbisita nila dito sa bahay.

Kasama niya sina Hoseok, Jimin, Yoongi tsaka Namjoon.

"Mambubulabog lang kami. Ang boring sa bahay ni Jungkook. Hindi kami kinakausap. Wala siya sa mood. Nag-away ba kayo? Hindi na kasi kayo nagkikita eh. Pati kami pinagbubuntunan ng init ng ulo.", sagot ni Jimin sa'kin.

"I ended our relationship. Wala na kami.", malungkot na response ko.

"Awtsu.", bulong ni Hoseok.

"Mamayang gabi na nga pala yung flight mo papuntang America no?", tanong sa'kin ni Yoongi.

"Oo. May book signing kasi kami ni Joy.", sagot ko.

Nagtinginan silang lima.

"Sino si.. s-si Joy?", sabay-sabay nilang tanong sa'kin.

"Close friend ko sa America. Kasama ko siya sa publishing house.", pagpapakilala ko kay Joy sa kanila.

"'Yon yata yung pinagseselosan ni Jungkook?", tanong ni Seokjin.

"Oo. Siya nga. Hindi ko ba alam sa kaibigan niyo kung bakit kailangan niyang pagselosan si Joy? Wala naman masamang ginagawa yung tao sa kaniya. Nahihiya tuloy ako kay Joy dahil nadamay pa siya sa kapraningan ng kaibigan niyo.", paliwanag ko sa kanila.

"Natural lang na magselos, Taehyung. Pero anong klaseng selos ba yung pagseselos ni Jungkook kay Joy para umabot kayo sa hiwalayan?", kahit si Hoseok nalulungkot sa mga nangyayari.

"Sobrang selos niya na dumating sa point na ang sakit na ng mga sinabi niya sa'kin. Ganiyang pagseselos yung selos ni Jungkook.", pagtatapat ko sa kanila ng nangyari.

Lumapit sa'kin si Seokjin at inakbayan ako.

"Magiging okay din kayo. Gusto mo, tulungan ka naming pag-ayusin kayo ni Jungkook?", alok niya.

"Hayaan mo muna sila. Magkakabati din yang dalawa. Away magjowa 'yan.", sabi ni Namjoon sa kaniya.

Dumating na si ate Jisoo galing sa trabaho.

"Babe? Nandito ka pala? Hindi ka nagsasabi.", bungad ni ate at tumakbo siya papunta kay Seokjin tapos nagyakapan sila.

Bigla ko tuloy naalala si Jungkook.

Naiinggit ako sa kanilang dalawa.

Kausapin ko na kaya si Jungkook?

"Uh.. sandali lang. Sasagutin ko lang 'tong tawag ni Tita.", paalam ni Namjoon sa'min tsaka siya lumayo ng konti para kausapin yung Mama ni Jungkook.

Nagvibrate din yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.

Nagmessage si Joy.

Ligaya: "Taetae? Punta na 'ko diyan sa bahay niyo ah? Malapit na 'ko sa gate niyo. Sabay na tayo papuntang airport."

Taehyung: "Okay. Punta ka na dito. I'll wait for you. Drive safe."

Habang naghihintay ako sa pagdating ni Joy, bigla kaming nilapitan ni Namjoon.

"Guys? Kailangan nating pumunta ng hospital. Nasa hospital si Jungkook.", kabadong sabi ni Namjoon sa'min.

Hindi ko alam kung sasama ako o hindi.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon