Sequel - Chapter 22

168 7 0
                                    

(tw // suicide)

Ilang araw na mula ng makulong si Joy.

Karma niya lang 'yon sa lahat ng mga ginawa niya sa'min ni Taehyung.

Nakauwi na si Taehyung galing sa hospital at nandito ako ngayon sa bahay nila para magbonding kaming dalawa.

Ako yung nagbantay sa kaniya sa hospital kasama yung Mom niya hanggang sa makalabas siya.

"Love? Pwede mo ba 'kong samahan?", tanong ni Taehyung sa'kin.

"Saan? Wag mong sabihin na aalis ka? Kakalabas mo lang ng hospital, diba? Magpahinga ka muna dito sa bahay niyo.", mahinahon kong saway.

"Puntahan lang sana natin si Joy? Gusto ko siyang makita.", sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Gusto mo siyang dalawin?", ayoko na kasing makita yung babaeng 'yon.

"Oo. Gusto kong malaman kung ano na yung lagay niya.", sagot niya sa'kin at hinawakan niya yung kamay ko. "Please?", nakakadala yung doe eyes niya kaya umoo na lang ako.

"Sige. Sasamahan kita.", di ko siya matiis.

Nginitian niya 'ko kaya nginitian ko din siya.

Ngayon ko na lang ulit nakitang nakangiti si Taehyung pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa'min, at sana wala ng dumating na bagong mabigat na problema.

"Mama? Ate? Aalis lang po kami sandali ah? Babalik din po kami agad.", paalam ni Taehyung sa Ate at Mama niya.

"Sige. Basta, Jungkook? Wag mong pababayaan si Taehyung ha? Mag-iingat kayong dalawa.", concern na sabi ni Tita sa'min.

"Opo, Mama. Mag-iingat po kami. Iingatan ko po yung bunso niyo.", ngayon ko lang siya natawag na Mama kaya mas lalo siyang napangiti.

Napatingin ako kay Taehyung kasi ang laki ng ngiti niya sa'kin dahil tinawag ko ng Mama yung Mom niya.

"Bye, Ma. Bye, ate.", paalam ni Taehyung.

Umalis na kami para pumunta sa kulungan kung saan nakakulong si Joy.

Pagkarating namin, hindi pa rin bumababa si Taehyung sa kotse.

"Love? Okay ka lang? What's the matter?", mahinahon na tanong ko.

"Hindi ko kasi alam kung kaya ko na siyang makita? Hindi ko alam kung bakit ako naglakas loob na magyayang magpunta dito? Bigla na lang akong kinabahan, Kookie.", halata nga sa kaniya na kabado siya.

"Bakit parang kinakabahan ka? Hindi ba dapat siya yung mas kahaban tsaka mas matakot ngayong magkikita kayo ulit dahil sa lahat ng ginawa niya sa'kin at sayo?", mahinahon na sagot ko kay Taehyung sabay hawak sa pisngi niya. "Nandito ako, Love. Sasamahan kita. Wag ka ng kabahan, okay? Hindi kita iiwan, promise.", nakangiting sagot ko sa kaniya para mabawasan yung kaba niya.

"Thanks you.", nakangiting sagot niya tsaka niya 'ko binigyan ng peck na kiss.

Lumabas na kami sa kotse at sinamahan ko na siya loob.

"Mr. Kim? Ikaw pala? Kung balak mong puntahan si Ms. Park sa loob, huli ka na.", bungad sa'min ng pulis na tumulong samin papuntang hospital.

"Bakit po? Ano pong nangyari?", clueless na tanong ni Taehyung.

"Patay na siya. Nagpakamatay siya sa loob. Nilaslas niya yung pulso niya. Dinala siya sa hospital kahapon pero dead on arrival na siya.", nastatwa kami sa narinig namin.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon