Sequel - Chapter 12

167 9 0
                                    

"Welcome back, Mr. Kim and Ms. Park!", pagbati sa'ming dalawa ni Joy ng mga empleyado sa publishing house.

"Thank you!", sabay naming sagot ni Joy habang masaya kaming pumapasok sa loob.

"By the way, Taehyung, we'd like to introduce you to Mr. Smith, our new CEO of this company.", sabi ni Joy sa'kin dahil nakilala at nakita na niya ito bago siya bumalik sa Pilipinas.

Naglalakad papunta sa'min si Mr. Smith ng nakangiti.

"Hi, Mr. Kim? Nice to meet you!", bungad ni Mr. Smith at nakipagkamay siya sa'kin.

"Nice to meet you too, Mr. Smith!", masayang sagot ko tsaka ko tinanggap yung kamay niya.

Sobrang namiss ko rin 'tong publishing house na 'to.

Tatlong buwan ba naman akong mawala dito?

"Ligaya? Punta muna 'ko sa office ko ha?", paalam ko sa kaniya.

"Sige. Pupunta muna rin ako sa office ko.", naglihis na kami ng landas papunta sa mga office namin.

Pagpasok ko sa office ko, umupo agad ako sa upuan ko tsaka ko sinandal yung ulo ko at pumikit.

"Waaah~ Namiss ko 'tong mesa ko tsaka 'tong upuan ko!", ang saya-saya ko habang iniikot-ikot ko yung upuan.

Medyo inaantok din ako.

I really feel like I'm completely exhausted, both mentally and physically.

May jet lag pa yata ako?

Pumikit muna 'ko at umidlip ng kahit konting minuto lang.

Nagset ako ng timer sa phone ko.

30 minutes muna 'kong iidlip.

•~•

Pag-gising ko, nakita ko si Joy na nakatitig sa'kin habang nakaupo siya sa sofa.

"Hey? Nandiyan ka pala.", inaantok pa yung boses ko habang kinukusot ko yung mata ko.

"Yes. Kanina pa. Pinapanood lang kitang matulog. Naiinip kasi ako sa office ko.", malambing niyang response tsaka siya ngumiti.

"Anong oras na ba?", tanong ko.

"Well, 1 p.m. na. Ang tagal mong natulog. Hinihintay lang kitang magising. Kain tayo? Treat ko.", niyaya niya 'ko na maglunch.

Tumayo siya at lumapit sa'kin.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinatak ako para tumayo.

"Halika na? Tara?", pinipilit niya 'kong tumayo.

"Eto na. Wait lang.", natatawang sagot ko tsaka ako nagpahatak sa kaniya.

Pagtayo ko, bigla akong nahilo kaya na-out of balance ako, pero nasalo naman niya 'ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak.

"Oh? Okay ka lang?", tanong niya sa'kin habang inaalalayan ako.

Napahawak ako bigla sa ulo ko.

"O-okay lang. Jet lag lang 'to.", response ko tsaka ako napailing.

"Sigurado ka ha? Wag muna tayong tumuloy kaya?", concern na tanong niya at tinulungan niya 'kong umupo.

"Tara na? Okay lang ako.", nakangiting sagot ko para hindi na siya mag-alala.

"Wait lang, Taetae. Diyan ka lang, ha?", paalam niya.

Lumabas siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

Huminga lang ako ng malalim at hinihilot-hilot yung sentido ko.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon