Taehyung's POV:
"Ligaya? Sigurado ka bang hanggang dito ka na lang magpapahatid?", tanong ko sa kaniya.
Nagpababa kasi siya sa tapat ng XYLO.
"Yes. May kikitain pa 'ko dito. Salamat sa joyride. Salamat din kay Jungkook.", nakangiting sagot niya sa'kin tsaka siya nagwave.
"Sige. Ingat ka. Bye.", sagot ko tsaka ako nagwave back.
Pumasok na 'ko ulit sa kotse ni Jungkook tsaka siya nagstart ulit na magdrive.
"Iwasan mo na siya.", wala sa mood na sabi ni Jungkook sa'kin habang nasa biyahe kami.
"Huh? Anong sinasabi mo?", naguguluhang tanong ko.
"I said, iwasan mo na siya. Kung pwede lang, wag ka ng lalapit sa kaniya.", hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling yung inis niya.
"Sandali lang. Kanina, ok lang tayo ah? Bakit bigla ka na lang nagkaganiyan? May problema ka ba kay Joy?", tanong ko sa kaniya kaya bumilis lalo yung pagmamaneho niya.
"Hindi ko alam kung manhid ka ba o nagtatanga-tangahan ka rin eh?!", inis at pasigaw na sagot niya dahilan para magpanting yung tenga ko.
"Wag mo 'kong sinisigawan! Hindi ko nga alam kung bakit ka nagkakaganiyan?! Ano bang problema mo?!", di ko na din napigil yung sarili ko na masigawan siya.
Hindi ko pa talaga kilala yung ugali ni Jungkook.
Masyado akong naging kampante sa mga pinapakita niya sa'kin.
"May gusto sayo si Joy!", pinagsasabi ni Jungkook?
"Ano ka ba?! Kung anu-ano yang pinagsasasabi mo?! Walang gusto sa'kin si Joy! Nababaliw ka na?!", pikon na pikon na 'ko.
"Kung alam mo lang yung mga pinagsasasabi niya sa'kin kanina, baka sakaling maintindihan mo 'ko?! Basta ang gusto ko, wag mo na siyang lalapitan! Wag ka na rin makikipag-usap sa kaniya!", di ko na talaga maintindihan si Jungkook.
"Ano bang mga sinabi niya sayo?! Sige nga?! Sabihin mo sa'kin! Baka naman kasi namiss-interpret mo lang?!", ngayon lang ako napikon at nagalit ng ganito sa buong buhay ko.
"Hindi ko namiss-interpret lahat! Alam kong may gusto siya sayo! Malandi siya masyado! Di rin naman aamin 'yan kapag tinanong mo!", masyado ng below the belt yung mga pinagsasabi niya kaya napapikit na lang ako at nagbuntong hininga ng malalim.
"Ihinto mo 'tong kotse.", wala sa mood na utos ko.
Bigla siyang humarap sa'kin habang nagmamaneho siya.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...