Nagpunta ako sa Mall malapit sa university para dito na lang bumili ng mga damit.
"Ang gaganda. Okay na 'to para hindi naman nalalayo yung itsura ko sa kanila.", nakangiti kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa damit na bibilhin ko.
Pagkatapos kong bumili, ilalagay ko na sana yung wallet ko sa bag, pero may biglang humablot.
"Hoy?! Wallet ko 'yan!", sigaw ko sa magnanakaw at hinabol ko siya.
Habang tumatakbo ako para habulin yung magnanakaw, bigla akong may nakabanggang lalaki.
Nakita kong hawak niya yung wallet ko kaya kinuha ko agad.
"Kasabwat ka no?!", pinandidilatan ko na siya ng mga mata para matakot sa'kin.
"What are you talking about? You're just very much stupid kaya nahablot yang wallet mo.", ang angas niyang sumagot, nakakainis!
"Bakit hawak mo yung wallet ko?! Ipapapulis kita!", pagbabanta ko pero nagsmirk lang siya.
"I don't need to rob your cheap looking wallet na wala man lang kalaman-laman na blue bills. Barya lang naman yang pera mo sa'kin. Gusto mong isampal ko sayo 'tong wallet ko?", inis na sagot niya at nilabas niya yung wallet niya at sinampal sa mukha ko.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya mas lalong kumulo yung dugo ko.
"Bakit mo ginawa 'yon?! Ang yabang mo naman?! Baka nga sa nakaw mo lang din nakuha 'yang mga yan eh?!", nakakapikon na talaga!
Pinulot ko yung wallet niya at sinampal ko rin pabalik sa pagmumukha niya.
Gantihan lang!
Tinalikuran ko siya at aalis na sana pero napahinto ako nang bigla siyang magsalita.
"Ganito na ba yung mga tao ngayon? Wala ng mga utang na loob?", pagpaparinig niya at bigla akong napalingon.
"So gusto mong magthank you ako sayo? Edi thank you! Baka hindi ka makatulog pag di ko sinabi eh?!", nawalan ako ng gana na magpasalamat.
Sa sobrang badtrip ko, iniwan ko na siya at umuwi na 'ko ng dorm.
Pagkarating ko sa harap ng univ, nakita ko si Yoongi.
"Welcome back. Mabuti naman at safe ka?", concern na bungad niya.
Kung titignan mo sa una, mukha siyang masungit at walang pakielam, pero may tinatago naman palang bait 'tong si Yoongi?
"Bakit nandito ka sa labas?", wala lang, natanong ko lang.
"Sinusundo ka. Mahirap na, baka makasalubong mo yung SPIKES?", nagawa pang manakot.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...