Sequel - Chapter 27

186 9 0
                                    

Dalawang linggo na rin yung nakakalipas mula ng makipaghiwalay ako kay Jungkook.

Hindi na 'ko nagre-reply sa lahat ng mga messages niya sa'kin kahit saan.

Nagpalit na rin ako ng sim para hindi na niya 'ko macontact.

Hindi muna 'ko sa bahay nakatira.

Naghanap muna 'ko ng condo na matitirhan ko malapit lang sa bahay kaya nabibisita pa rin ako nina Mama tsaka Dahyun.

"Ma? Mamaya na lang kayo ulit pumunta dito sa unit ko ha? Aalis lang po ako. Kakain lang po ako sa labas.", paalam ko kay Mama habang kausap ko siya over the phone.

"Ayaw mo ng kasama? Samahan ka namin ng ate mo?", alok ni Mama sa'kin pero gusto ko muna ding mapag-isa.

"Wag na po. Gusto ko muna po kasing mapag-isa eh. Wag po kayong mag-alala, okay lang po ako.", pero hindi naman talaga.

"Sige. Mag-iingat ka ha? Magmessage ka na lang kapag nakabalik ka na sa unit mo.", sagot sa'kin ni Mama na halatang nag-aalala yung boses.

"Opo. Bye, Ma.", malambing kong response tsaka binaba ko na yung tawag.

Paglabas ko sa condo, may naririnig akong mga babaeng nagbubulungan.

"Buti naman, natauhan yung boyfriend niya?"

"Kadiri kaya. Dalawa silang lalaki eh. Nauntog 'yon. Hindi nabilhan ng matibay na helmet. Dahil nga sa kaniya, namatay pa si Joy."

"Wala naman kasing mapapala sa kaniya yung boyfriend niya. Pineperahan lang siya 'non."

"Sumisipsip kasi mayaman siya."

"Gwapo naman siya. Bakit di na lang siya maghanap ng babae? Sayang siya. Pogi pa man din?"

Hindi na 'ko nakapagtimpi kaya nilapitan ko sila.

"Sa susunod na bubulong kayo, siguraduhin niyo na hindi ko maririnig. Wala kayong alam sa mga nangyayari. Magaling lang kasi kayo sa mga chismis na wala namang basehan. Alam niyo kung ano yung tawag sa inyo? Mga mabababaw at kulang sa aruga kaya wala kayong ibang alam na gawin kung hindi pagchismisan yung mga tao na wala namang atraso sa inyo. Sa susunod na gawin niyo pa ulit 'to, hindi niyo magugustuhan yung susunod na sasabihin ko. Mabait ako sa taong mabait pero hindi sa mga katulad niyo.", pagbabanta ko at iniwan ko na silang nakatayo lang sa kinatatayuan nila.

Natahimik sila kasi akala nila hindi ko sila papatulan.

Bakit parang imbis na makakapagrelax ako, uminit lang lalo yung ulo ko?

Akala ko, wala akong stress na makukuha sa condo na 'to?

Meron pa rin pala?

Hanggang dito ba naman susundan pa rin ako ng mga marites na 'to?

Hindi ba talaga sila napapagod?

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon