Sequel - Chapter 25

198 12 0
                                    

Alam ko na tama yung desisyon ko.

Siguro, panahon na nga para lumagay ako sa tahimik na buhay gaya ng dati.

Tahimik at normal na buhay kasama sina Mama at Jungkook.

Hindi man nila tanggap kung anong meron sa'ming dalawa, wala na 'kong pakielam sa kanila.

"Hello? Love? Pauwi ka na ba?", tanong sa'kin ni Jungkook habang magkausap kami sa phone.

Nasa airport na 'ko habang naghihintay ng flight pauwi ng Pilipinas.

"Oo. Pauwi na 'ko. Hintayin mo 'ko diyan ah?", malambing na sagot ko.

"Nabalitaan na namin yung ginawa mo. Talagang iiwan mo na yung pagiging author mo? Baka naman nabibigla ka lang? Hindi mo naman kailangang gawin 'yan eh. Paano ka? Paano yung trabaho mo? Paano yung pangarap mo? Paano yung-", naudlot na tanong sa'kin ni Jungkook kasi pinutol ko yung sinasabi niya.

"Sigurado na 'ko. Gusto ko ng mamuhay ng normal gaya ng buhay ko dati. Yung walang media na nakapalibot sa'kin, yung private yung buhay ko. Okay na sa'kin yung ilang taon na pagiging author ko. Gusto kong magfocus sa inyo nina Mama. Ang tagal ko na kayong hindi nakakasama ng matagal.", miss na miss ko na kasi sila.

"Pero, biglaan naman kasi yung pagre-resign mo. Hindi mo man lang kami nasabihan? Kahit sina Tita, nagulat sa naging desisyon mo. Pero kung saan ka masaya at komportable, doon kami.", alam ko naman, Jungkook.

Alam ko na kahit anong gawin ko, palagi kayong nakasupport sa'kin.

"Salamat sa suporta, ha? Buti na lang nandiyan kayo palagi para sa'kin. Siguro, kung wala kayo, hindi ko kakayanin 'to? Sige na. Bye for now. Papasok na 'ko sa eroplano. See you.", paalam ko.

"Bye. Ingat ka. I love you.", malambing niyang sagot.

"I love you more. Bye.", sagot ko at binaba ko na yung tawag.

Habang naglalakad ako papunta sa eroplanong sasakyan ko, naalala ko si Joy.

Kahit paano, naging kaibigan ko naman siya.

Palagi rin siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko siya.

Inaalagaan niya rin ako at hindi niya 'ko pinapabayaan.

Miss ko na rin siya.

Sana, kung na saan man siya ngayon, napatawad na niya 'ko sa kasalanan ko sa kaniya na hindi ko siya minahal gaya ng gusto niyang pagmamahal na ibigay ko sa kaniya.

Napatawad ko na rin siya sa mga ginawa niya sa'min.

•~•

Nasa Pilipinas na 'ko.

Paglabas na paglabas ko sa airport, tinawagan ko agad si Jungkook.

Nagri-ring lang yung phone niya pero hindi niya sinasagot.

"Baka naman busy lang siya? Baka hindi niya katabi yung phone niya or baka hindi niya hawak? Baka nakasilent or vibrate lang?", tanong ko sa sarili ko dahil ilang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot.

Magpapasundo pa naman sana ako sa kaniya pero mukhang busy siya sa trabaho nila kaya hindi ko na siya guguluhin.

Dumiretso na lang ako sa Mall para bilhan ng pasalubong sina Mama at Ate, Jungkook, Dahyun, tsaka sina Jimin.

Habang namimili ako ng mga pasalubong sa kanila, tinawagan ako ni ate.

"Hello? Ate?", bungad ko.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon