Sequel - Chapter 13

169 8 0
                                    

"L-Ligaya? Magc-CR lang ako ha?", paalam ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Okay. Hihintayin kita dito.", nakangiting sagot niya sa'kin tsaka na 'ko tumayo para umalis ng pwesto ko.

Tapos na kaming kumain.

Nagku-kwentuhan na lang kami.

Naramdaman ko na lang na nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.

Nagmessage sa'kin si Jungkook.

Love: "Love? Just be patient. Malapit ko ng makuha yung copy ng CCTV sa parking lot ng company namin. But for now, just stay away from her. Ayoko lang na mapahamak ka. I love you. Please, take care of yourself."

Taehyung: "I can't do that. I can't stay away from her. Nakakalimutan mo na ba? Magkatrabaho kami, and she's my friend. Hindi ko magagawa yang pinapagawa mo sa'kin. I'm sorry. Hanggat wala pa yung copy ng CCTV, hindi ko lalayuan si Joy, pero salamat sa concern. Mag-iingat ka rin diyan. I love you too. Don't stress yourself. Rest well."

Pumasok na 'ko sa CR para maghugas ng kamay hanggang sa bigla na namang sumakit yung ulo ko.

Buti na lang, may baon akong gamot galing kay Joy at ininom ko 'yon agad.

"Calm, Taehyung. Okay ka lang. Hilo lang 'yan. Ikalma mo sarili mo.", pinapakalma ko na sarili ko habang nakapikit at nakasandal sa pader.

"Sir? Are you okay?", tanong sa'kin ng isang teenager na lalaki kaya papadilat ako, "You are Mr. Kim, right? You're Winter Bear! The one who wrote the novel 'Our Love on the Spring Day'?! I'm an avid fan of yours!", ang saya-saya niya nung nakita niya 'ko.

"H-hi? Nice to meet you.", inapproach ko siya na parang walang nangyari sa'kin.

"What's happening? Are you okay?", concern na tanong niya sa'kin dahil nakita niya 'ko kaninang nakapikit at nakasandal sa pader.

"Yeah. I'm fine.", nginitian ko na lang siya para hindi na siya mag-alala pa.

"O-okay. Bye, Mr. Kim. Thank you for being so kind.", nakangiting sagot niya tapos umabas na siya ng CR at ako na lang mag-isa yung naiwan.

Ininom ko na yung dalang gamot ni Joy para sa'kin.

Naghintay ako ng ilang minuto bago humupa yung sakit ng ulo ko.

Paglabas ko ng CR, wala na si Joy sa pwesto namin.

Saan kaya nagpunta 'yon?

Baka nag-CR din?

Bumalik na lang ako sa pwesto namin at hinintay siyang bumalik.

20 minutes na, hindi pa rin siya bumabalik.

Na saan na si Joy?

Ang tagal naman 'non?

Tumayo ako para tignan yung bungad ng CR ng girls.

Wala namang pila tsaka mukhang wala ring tao.

Nandito pa sa loob ng restaurant yung bag niya.

Saan kaya siya nagpunta?

Kinuha ko yung bag niya at lumabas ako ng Restaurant.

Wala din siya dito sa labas.

Bigla akong nakarinig ng boses ng babae na nakikipagtalo sa isang lalaki galing sa likod ng Restaurant.

Si Ligaya ba 'yon?

Sinong kausap niya?

Hindi ako nagdalawang-isip na puntahan kung saan ko naririnig yung nag-aaway hanggang sa nakarating ako sa likod.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon