Jungkook's POV:
"Umiinom ka na naman. Itigil mo na yan. Kahit uminom ka, hindi mo na matatama yung mga mali mo. Panandaliang kalimot lang yung ibibigay sayo ng alak, Jungkook.", saway ni Seokjin sa'kin habang umiinom ako ng alak sa bahay.
"Iniwan na 'ko ni Taehyung. Di ko na alam kung saan siya nakatira. Hindi ko na siya matawagan. Nagdeactivate na rin siya ng mga social media accounts niya. Ayaw sabihin sa'kin ng Mom niya kung na saan siya. Paano ko pa siya ulit makikita?", naiiyak na 'ko dahil hindi ko na kaya.
Ilang linggo ko na ring iniiyak 'to, pero di naman nababawasan yung sakit.
"Kinausap mo na ba yung Mama niya? Gusto ko sanang itanong kay Jisoo kung na saan yung kapatid niya pero ayokong mangielam eh. Baka magalit sa'kin 'yon?", response ni Seokjin.
"Gusto ko na ulit makita si Taehyung. Gusto kong bumalik kami sa dati. Ayoko siyang mawala sa'kin. Di ko kaya, Seokjin.", sagot ko sabay tungga ulit ng alak.
Biglang nagring yung phone ko.
"Bro? Si Yeri, tumatawag sa phone mo.", napatingin ako sa phone ko at pangalan nga niya lumabas sa screen.
"Wala akong pakielam sa kaniya. Mas mahalaga sa'kin si Taehyung. Mas mahal ko si Taehyung. Tsaka alam ko naman kung bakit tawag ng tawag sa'kin 'yan.", nabibwisit lang ako lalo.
"Bakit hindi mo muna kaya sagutin yung tawag niya? Malay mo importante yan?", ano namang importante sa sasabihin ng babaeng 'to?
Kinuha ko yung phone ko at binato ko dahil sa sobrang inis kasi tunog ng tunog.
"Bakit mo binato?! Sira ulo ka na ba talaga?!", dinampot niya yung nagkapira-piraso kong phone sa sahig.
"Ang ingay! Ayoko ng maingay!", banas na sagot ko.
Tinungga ko na yung iniinom ko at pumasok na 'ko sa kwarto.
Humiga ako sa kama ko habang umiiyak.
Si Taehyung pa rin yung nasa isip ko.
Kahit nakapikit na 'ko, si Taehyung pa rin yung nakikita ko.
Naaalala ko palagi kung paano ko siya pinaiyak at nasaktan.
Naaalala ko palagi yung itsura niya nung humahagulgol siya sa harap ko nung nakipaghiwalay siya sa'kin.
"Taehyung? Kailan ka ba babalik sa'kin? Hindi ko kaya 'to. Iniwan na nga ako ni Sana 'non, pati ba naman ikaw?", nanginginig na 'ko sa kakaiyak dahil sa sobrang lungkot.
Sa kakaiyak ko, may nakita akong gunting sa may taas ng cabinet ko.
Tumayo ako at dahan-dahang kinuha 'yon.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Фанфикa filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...