(tw // violence)
Jungkook's POV:
Ang sakit ng ulo ko.
Hindi ako makagalaw.
Wala akong makita.
Hirap akong makahinga.
Hindi ako makasigaw.
Anong nangyayari sa'kin?
Paggising ko, naramdaman ko na lang na nasa isang masikip na higaan ako.
Napakasikip na higaan na halos hindi na 'ko makahinga tapos ang dilim-dilim pa.
"T-tulong...", nanghihinang sigaw ko na halos wala na ngang lumalabas na boses sa'kin.
"Gising ka na pala? Wag kang maingay ha? Naiirita kasi ako sa mga maiingay eh.", sagot ng babae sa'kin na parang nasa labas siya kung na saan ako.
"S-sino.. ka? Ilabas.. mo 'ko.. d-dito...", nanghihinang sagot ko habang pinipilit kong kumawala.
"Mamaya na kita papalabasin, kapag dumating na si Taehyung. At habang wala pa siya, rest ka muna diyan. Kung balak niyang maging talkshit, sorry pero mamamahinga ka na diyan forever.", walang hiyang sagot niya na parang proud pa siya sa mga sinasabi niya.
Naririnig ko yung yabag ng paa niya na papalapit siya sa'kin.
"Alam mo, Jungkook? Ayaw mo siyang masaktan pa tsaka mahirapan diba? Kung binigay mo na siya sa'kin dati pa, edi sana hindi tayo aabot sa ganito?", anong pinagsasabi ng baliw na 'to?
"J-Joy? Pakawalan.. mo na 'ko.. dahil kahit anong.. gawin mo, kahit patayin mo 'ko ngayon.. ako pa rin yung.. yung mahal ni Taehyung.. at hinding-hindi ka niya mamahalin lalo na sa.. ginawa mo sa'kin ngayon. Hinding-hindi ka niya.. mapapatawad.", hinang-hina talaga ako ngayon.
Nagulat ako dahil may narinig na lang ako na malakas na putok ng baril.
"Hindi ka ba tatahimik?! Gusto mo bang tuluyan na kita?!", sigaw niya sa'kin.
"Gawin mo.. kung anong gusto mo. Pero hindi ka mamahalin ni Taehyung.. tandaan mo yan.", pinipilit ko pa rin na magsalita kahit nanlalambot na 'ko.
Bigla na lang niyang sinipa yung labas ng hinihigaan ko.
"Wag kang mag-alala. Gagawin ko talaga yung gusto ko at ipapakita ko kay Taehyung yun mismo sa harap niya! Di mo na kailangang magrequest, Jungkook! Mabait ako tsaka mapagbigay, kaya ibibigay ko sayo yung gusto mo!", galit na sagot niya.
Bigla na lang akong may narinig ng mga sasakyan ng mga pulis mula sa malayo.
"Taehyung?! Bakit?! Ang linaw ng usapan natin, diba?!", bakas sa kaniya yung takot tsaka kaba.
Binuksan niya yung lalagyan kung saan ako nakahiga at hinatak niya 'ko kahit nabibigatan siya sa'kin.
Nanghihina na talaga ako dahil hindi ako makahinga ng maayos.
"Subukan mong tumakbo! Papatayin na talaga kita!", pananakot sa'kin ni Joy habang sakal-sakal niya yung leeg ko at nakatutok yung baril niya sa ulo ko.
Wala na talaga siya sa tamang katinuan kaya hindi na niya alam yung ginagawa niya.
Biglang bumukas yung pintuan sa baba ng bahay kung na saan kami at naririnig kong pumapasok na yung mga pulis.
"Jungkook?! Na saan ka?! Na saan kayo?! Kung naririnig mo 'ko, sumigaw ka!", narinig kong pagtawag sa'kin ni Taehyung at rinig na rinig ko yung pagcrack ng boses niya dahil naiiyak na siya.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...