Sequel - Chapter 18

199 8 0
                                    

Jungkook's POV:

Habang may nagaganap sa'min tatlo nina Joy at Taehyung, pinaalis muna ng boss nila yung lahat ng reporters.

Nilapitan ni Joy si Taehyung habang umiiyak dahil nagpapakaplastik siya sa harap ng mga tao.

"Iiwan mo talaga yung career mo para lang kay Jungkook? Nag-iisip ka ba? Kinukwento mo sa'kin na importante 'to sayo. Buhay mo na 'tong publishing house pati career mo, tapos iiwan mo yung pangarap mo para sa pesteng lalaki na 'to?!", di na mapigil ni Joy yung galit niya.

"Edi lumabas din yung totoong ikaw, Joy? Hindi ako nagkamali sa ginawa ko dahil totoo pala lahat ng sinabi ni Jungkook tungkol sayo?", nakangising sagot ni Taehyung sa kaniya.

"Concern lang ako sa career mo, Taetae. Ayokong bumagsak ka ng dahil kay Jungkook. Ang taas na ng narating mo! Dahil lang kay Jungkook, babagsak ka? Ngayon, sa tingin mo hindi ka nila pag-uusapan? Ano na lang yung magiging tingin nila sayo?", talaga bang concern siya sa career ng boyfriend ko?

"Bakit kailangan mong ipamukha sa harap ng maraming reporters na girlfriend kita?", inis na tanong ni Taehyung.

"Dahil nakita ko si Jungkook kanina, at alam kong manggugulo siya at siya yung sisira sa career mo sa oras na malaman nila na boyfriend mo siya!", kaya naman pala bigla siyang nagsinungaling sa harap ng mga reporters dahil sakin.

Sumabat ako sa usapan nila.

"Talaga bang concern ka kay Taehyung? Wag ka ng magmaang-maangan. Hawak ko na yung proof na ikaw yung may kasalanan kung bakit naaksidente ako.", inis na sabat ko.

"Wala akong ginagawang masama.", nagde-deny pa rin siya.

"Taehyung? Jimin? Let's go.", pag-yaya ko sa kanila para umalis at pumunta sa bahay ni Tito kung saan ako tumutuloy.

Bigla kaming pinigilan ni Joy.

"Saan kayo pupunta?! Hindi niyo pwedeng isama si Taehyung! May trabaho pa kami kaya wag mo na kaming guluhin!", pilit niyang inaagaw sa'kin yung kamay ng boyfriend ko pero hindi ko binibigay.

Bigla siyang nilingon ni Taehyung.

"Tapos na yung trabaho ko, Joy. Kung ikaw pa rin yung makakasama ko sa publishing house, mas mabuti pang magresign na lang ako. Isa lang sa'tin yung pwedeng mawala. It's either ako o ikaw.", seryosong sagot ni Taehyung at sumama na siya sa'min.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon