(tw // mature content)
Taehyung's POV:
Nagpunta ako sa publishing house dahil alam kong wala na 'don si Joy at naka-uwi na siya.
Pagdating ko sa publishing house, nakatingin sa'kin yung ibang mga empleyado mula sa entrance hanggang sa office ko.
Iba yung tingin nila sa'kin.
"Why?", tanong ko bago ako pumasok sa office ko tsaka sila bumalik sa kani-kanila nilang mga trabaho.
"I'm glad that you're back, Mr. Kim.", bungad sa'kin ni Mr. Smith pagkatapos kong kuhain lahat ng gamit ko.
"I came back just for my things.", mahinahon na sagot ko.
"What's happening between you and Ms. Park? This is a huge mess, Taehyung. How can we fix this kind of issue?", nahihiya ako na pati si Mr. Smith namomroblema na dahil sa nangyari kanina.
"Either you fire her or I resign from this company, Mr. Smith. Make a wise decision. Joy is a psychopath! She has the ability to kill someone if she wants.", kumunot yung noo niya dahil sa mga pinagsasabi ko.
"What? I can't understand you!", pati siya gulong-gulo na din.
"I'll come back if Joy has already left. I can no longer work with her. I hope you get what I'm saying, Mr. Smith.", mahinahon kong paliwanag.
Umalis na 'ko at hindi na 'ko nagpapigil sa kaniya.
Kung kinakailangan kong magresign para maayos na yung lahat, gagawin ko.
Ayokong madamay sa problema ko yung publishing house na pinagkakautangan ko ng malaking utang na loob.
Kung ako lang yung makakasira sa kumpanya na 'to, mas pipiliin ko na lang na sarilinin ko yung gusot na nagawa ko.
Pasakay na sana ako sa taxi pero bigla akong naabutan ni Joy.
"Saan ka pupunta? Bakit dala mo lahat yung gamit mo? Uuwi ka na ba sa condo natin?", bungad na tanong niya.
Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad papunta malapit sa kalsada para mag-abang ng taxi pero sumunod siya sa'kin.
"Taetae?! Wait lang! Mag-usap tayo!", pasigaw na pagtawag niya sa'kin habang sumusunod siya.
Napatigil ako sa paglalakad.
"Wala na tayong dapat pag-usapan! Alam ko na lahat! Ikaw yung may kasalanan kung bakit muntik mamatay si Jungkook! Bakit mo yun ginawa sa kaniya?! Ano bang kasalanan niya sayo?!", ngayon lang ako nanigaw ng ganito sa buong buhay ko.
"Malaki! Sobrang laki! Dahil kung makikita pa siya ng pangingin mo, siya pa rin yung pipiliin mo! Taehyung?! Ang tagal na nating magkasama pero hindi mo man lang ako napapansin! Wala ka man lang pagmamahal na binigay sa'kin kahit konti! Ang manhid mo kasi!", sagot niya habang naluluha.
"Kaya mo ginawa kay Jungkook 'yon? Kaya gusto mong pumatay para lang makuha yung taong gusto mo? You're not only a psychopath, but also a selfish, truly pathetic person I've ever met!", di ko na macontrol yung mga lumalabas sa bibig ko.
"Alam ko na magigising ka rin sa katotohanan, Taehyung! Hindi mo naman talaga mahal si Jungkook! Parehas kayong lalaki at alam naman nating lahat na hindi pwede 'yon! Tignan mo yung resulta ng pagmamahal mo sa kaniya?! Pinag-uusapan ka na ng maraming tao! Sinira niya yung buhay mo!", mas lalo akong nanggalaiti sa galit dahil sa mga sinabi niya.
"Kahit anong sabihin mo, si Jungkook lang yung mahal ko. Siya lang! At kahit kailan, hindi kita mapapatawad sa ginawa mo, Joy! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan! Pagbabayaran mo yung ginawa mo kay Jungkook, sinisigurado ko yan!", nakapagbanta na 'ko dala ng galit ko.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...