Jungkook's POV:
Pagkatapos na pagkatapos ng meeting namin, nagpunta agad ako sa office ko para makipagvideo chat kay Taehyung.
"Hi, Love? Sorry kung hindi ako nakapunta diyan ha?", bungad ko sa kaniya nung sinagot niya yung video call ko.
"Okay lang. Naiintindihan kita. Mas kailangan mong unahin yan. Business niyo yan eh.", ang lambing ng boses niya.
Understanding talaga siya kaya mas lalo ko siyang minahal.
"Thank you for understanding. By the way, kumain ka na ba? Kinain mo ba yung ginawa ko para sayo?", gusto ko lang malaman kung nakakain na ba siya?
"Yeah. Salamat nga pala 'dun ha? Ang sarap mo na ngang magluto. Ikaw? Kumain ka na ba?", kalmado niyang sagot.
"Sa totoo lang, hindi pa. Kakatapos lang ng meeting namin. Pero, wag kang mag-alala. Kakain na 'ko maya-maya.", kakalabas ko lang din kasi ng Conference Room.
"Wag kang magpapalipas ng gutom ha? Baka magkasakit ka naman niyan?", alam kasi niya na nagpapalipas ako ng gutom lalo na kapag inuuna ko talaga yung work.
"Hindi ko hahayaan na magkasakit ako, Love. Stop worrying na.", ayoko lang ng nag-aalala siya.
Napansin ko na kinukusot na niya yung mata niya.
"Sleepy ka na yata? Goodnight, Love. I love you. Sleep ka na kung antok ka na. Okay lang.", concern lang ako sa kaniya.
"Hindi. Hindi pa 'ko inaantok. Napuwing yata ako? Wag mo na lang pansinin. Free ka ba bukas?", natatawa niyang response habang kinukusot pa rin yung mga mata niya.
"Opo. Bakit?", wala naman kaming sched ng meeting bukas.
"Kain tayo sa labas bukas kasama sina Hoseok. Napag-usapan kasi nila kanina na gusto nilang kumain bukas ng kumpleto tayong pito. Namiss nila yung kumpleto tayo.", excited niyang kwento sa'kin.
"Pwedeng tayong dalawa na lang muna? Gusto muna kitang solohin ngayon. Ngayon lang ako magdadamot.", ang tagal ko kasi siyang hindi nakasama.
Sa bahay ko pa rin nakatira sina Hoseok hanggang ngayon.
Tuwing sabado sila umuuwi sa mga bahay nila at bumabalik sila sa bahay ng lunes ng umaga.
"Ang damot mo naman? Isama na natin sila, please? Lagi mo na lang akong sinosolo. Miss ko na rin kasi na kumpleto tayong pito.", ang cute niyang magplease kasi with matching pouty lips pa.
"Look? Ilang taon kang nawala sa'kin. Hindi mo 'ko masisisi kung gusto muna kitang solohin. Bumabawi lang ako sa mga araw na nasayang na sana naiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal, nung pinakawalan kita.", sincere na sagot ko kaya siya napangiti habang mapungay yung mga mata.
"Oo nga. Alam ko naman 'yon. Pero, baka mamaya niyan magsawa ka na sa mukha ko?", pabirong sagot niya.
"Kahit kailan, hindi ako magsasawa sayo.", alam kong corny pero totoo naman.
"Tama na nga 'tong kadramahan na 'to? Sige na, kumain ka na muna. Bye, Love. Pakabusog ka, okay?", natatawang sagot niya kasi hindi niya rin kaya yung masyadong madrama.
"Bye. I love you.", paalam 'ko tsaka ako nagwave.
"I love you too.", sagot niya sa'kin tsaka kiniss yung camera at nagwave din.
Pinatay na niya yung video call.
"Ang sweet talaga ni Taehyung. Bagay talaga kayo.", biglang sabi ni Mama pagpasok niya sa office ko at dinalhan ako ng pagkain.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...