(tw // suicide, self harm, abuse)
Habang nag-aayos ako ng mga gamit para sa darating na pasukan bukas, may napansin ako sa kama ni Jungkook.
"Ito yung ginawa kong story ah? Binabasa niya? Kahit paano naman natutuwa ako ako sa kaniya kahit konti.", natutuwa kong sabi at kinuha yung libro na ginawa ko.
"Our Love on the Spring Day"
Natuwa ako kasi binabasa pala niya yung gawa ko.
"We met each other into the beautiful paradise. Flowers of various hues that bloom in our hearts. Colorful leaves falling to signify our colorful love story. Nevertheless, the paradise darkens, as a result of one of our tragedies. Would you still want to walk together with me? Please, do not abandon me. Our colorful lives have turned into dark memories that have taken us far away from where we once were."
Habang binabasa ko yung librong ginawa ko, bigla na lang may nagbagsak ng pintuan pagbukas kaya nagulat ako.
"Hoy, tanga?!", sigaw na pagtawag ni Jungkook.
Nilapag ko yung libro sa kama niya at dahan-dahang lumingon sa kaniya habang nakakunot yung noo ko.
"Anong sinabi mo? Tanga? Ang pasmado talaga ng bibig mo no?", nagsisimula na naman siyang mamikon.
"Bakit hawak mo yang libro ko? Sinong may sabing pakielaman mo?!", bigla niyang hinila sa kamay ko yung book.
"Masama bang tignan ko yung sarili kong-", naudlot na sagot ko dahil bigla niya 'kong hinila palabas.
Paglabas ko, bigla niyang sinara yung pintuan ng padabog.
"Hoy?! Bastos ka rin eh, no?! Ikaw mag-ayos ng gamit ko diyan ha?! Bwiset!", sigaw ko sa kaniya.
"Nag-aaway na naman ba kayo?", natatawang tanong ni Jimin.
"Makatawa ka diyan ah? Gusto mong lumiit lalo?", inis kong sagot.
"Grabe ka naman? Mas matangkad ka lang ng konti sa'kin eh.", sagot niya at bigla siyang nag-pout.
Iniwan ko siya at lumabas muna saglit sa loob ng dorm.
•~•
Gusto ko munang samantalahin yung araw ngayon dahil may pasok na bukas.
Naglalakad-lakad ako malapit lang din sa dorm namin.
Nagring bigla yung phone ko kaya napatigil ako sa paglalakad tsaka ko kinuha sa bulsa ko.
"Tumatawag si Dahyun.", bulong ko tsaka ko sinagot yung tawag niya.
"Hello? Taehyung? Kumusta ka na diyan? Pasukan niyo na bukas diba?", tanong ni Dahyun.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...