Sequel - Chapter 4

246 8 0
                                    

"We're here.", ginising ko si Taehyung kasi nakatulog siya sa biyahe.

Nagstretch pa siya tsaka niya kinusot yung mga mata niya kasi antok na antok pa siya, and he's so cute kasi nakapout pa yung lips niya.

"Where are we?", antok pa yung boses niya tsaka siya tumingin sa'kin ng mapungay yung mga mata.

"Tagaytay. Crosswinds.", ito kasi yung nahanap ko na magandang romantic place para sa'ming dalawa.

Lumabas na kami sa sasakyan tsaka ko kinuha ko yung kamay ni Taehyung at nagsimula na kaming maglakad.

"Ngayon na lang ulit tayo nakapamasyal. Lagi kasi tayong busy sa mga ginagawa natin.", di kasi nagkakasalubong yung mga oras namin dahil busy siya sa paggawa ng manuscript tapos ako naman busy sa company.

"I know. Hindi natin madalas na nagagawa 'to. Tuwing may free time lang tayong pareho. Hindi kasi balance yung schedule natin. Minsan lang. Kapag may free time ako, hindi ka naman pwede. Kapag naman ikaw yung may free time, may meeting kami o kaya gumagawa ako ng presentation para sa company.", malungkot na sagot ko.

Bigla niya 'kong hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Don't be sad. Mas maganda na 'to. Kesa naman sa long distance, diba? Mas mahirap 'yon. Mas mahihirapan tayong magkita. Puro virtual lang tayong magkakausap.", pagpapagaan niya ng loob ko.

"I'm sorry.", sagot ko.

"For what?", naconfuse siya.

"Kasi, huli na nung nalaman ko lahat kaya ka umalis. Kung maaga ko sanang nasabi sayo, sana-", pinutol niya yung sinasabi ko.

"No. Don't blame yourself. Wala kang kasalanan. Tinanggap ko rin yung offer sa America para kina Mama at Ate, at syempre para sayo. Tsaka, nakabalik naman ako dito kaya wag mo ng sisihin yang sarili mo. Ang mahalaga, magkasama na tayo ngayon.", ayaw niya talaga 'kong makita na malungkot, "Don't be sad na. Cheer up!", pinilit na pangitiin yung labi ko.

Wala na 'kong nagawa kaya napangiti na lang ako dahil sa kakulitan niya.

"Tama yan. Ngumiti ka lang. Mas bagay sayo yung nakangiti.", pagcheer up niya sa'kin.

"You are always the reason behind my smile.", siya talaga yung dahilan ng mga genuine kong saya at mga ngiti bukod kay Mama at kina Seokjin.

Pagdating namin sa café, umupo agad kami sa cozy na spot tsaka kami nag-order ng breakfast.

Waffles tsaka coffee yung inorder naming dalawa, at nagkwentuhan kami habang naghihintay ng pagkain.

"Ang ganda ng view dito sa taas. Ang cozy din ng atmosphere. Green na green tapos ang daming puno. Ang refreshing sa mata tignan.", kwento niya habang nililibot niya yung paningin niya.

Kapag nakikita ko siyang nakangiti lalo na kapag ako yung nakakapagpangiti sa kaniya, napapangiti na rin ako.

Nagulat siya nakita nung may sinuot ako sa wrist niya.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon