Chapter 7

323 16 0
                                    

Ilang araw na 'kong hindi pinapansin ni Taehyung.

Nakakapanibago siya.

Hindi na siya yung makulit kapag kasama niya sina Jimin.

Kahit anong kulit nina Hoseok, hindi na tumatalab.

Bakit ba 'ko nagkakaganito?

I'm not supposed to miss him, but I do.

Kusa na lang akong huminto sa pambubully sa kaniya.

Habang naglalakad ako, napahinto ako sa labas ng Mini Library.

Naririnig ko na nag-uusap si Taehyung tsaka si Namjoon.

"Gusto ko ng umuwi. Miss ko na si Ate tsaka si Mama. Hindi ko na rin matiis yung kademonyohan ni Jungkook. Akala ko matitiis ko pa pero sumosobra na siya. Ngayon lang ako naapi ng ganito.", sumbong ni Taehyung kay Namjoon habang umiiyak.

Naririnig ko yung paghikbi niya.

"Hindi na ba magbabago yung desisyon mo? Lilipat ka na talaga ng school? Sayang yung mga nasimulan mo dito.", mahinahon na sagot ni Namjoon sa kaniya.

"Di ko na kasi kaya. First week ko pa lang dito, malas na 'ko agad. Hindi ko naman inaasahan na parang Hell Univeristy pala 'to eh? Samahan mo pa ng mga demonyong SPIKES at demonyo niyong kaibigan.", sagot ni Taehyung.

"Nakikinig ka ba sa usapan nila?", nagulat ako dahil biglang sumulpot si Seokjin out of nowhere.

"Napadaan lang.", pagsisinungaling ko.

"Nakokonsensiya ka na no? Nararamdaman ko.", gini-guilttrip niya ba 'ko?

Hindi ko siya sinagot.

"Silence means 'yes', Jungkook. Aminin mo na kasi.", pinipilit niya 'kong umamin.

Hindi ko na lang ulit siya pinansin.

Nilagpasan ko siya at nagpunta sa dining area para kumain.

•~•

Habang nagla-laptop ako sa living room, nagkaroon ako ng tiyempo na makausap si Taehyung dahil kakalabas niya lang sa Mini Library.

Hindi ko alam kung anong naghatak sa'kin para kausapin siya, pero bigla na lang bumaba yung pride ko.

"T-Taehyung? Can we.. talk?", nauutal kong tanong.

"Para saan pa? Suko na 'ko sayo. Aaminin ko, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makasama pa sa iisang bubong yung isang demonyong katulad mo. Punung-puno na 'ko sayo, Jungkook. Lilipat na 'ko ng school. Alam ko naman na gusto mo 'kong paalisin dito pero hindi ko malaman yung dahilan. Siguro sobrang saya mo na no? Kasi mawawala na 'ko sa paningin mo?", ngayon ko lang siya nakausap ng ganito kaseryoso.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon