Book signing event na.
Pagkatapos ng book signing, may press conference kami para sa bago naming novel.
"Mr. Kim? I had no idea you were so well-known! Take a look at those people. They are abundant!", manghang sabi sa'kin ni Mr. Smith habang nakaupo kami ni Joy sa harap ng mga taong magpapapirma ng libro.
"Thank you, Mr. Smith.", naappreciate ko yung sinabi niya.
Hindi pa kasi pinapapasok yung mga taong magpapapirma kasi inaayos pa yung table na ilalagay sa harap namin.
Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Joy.
Hindi ako komportable ngayong katabi ko siya.
"Let us just forget what happened yesterday. Hindi ako sanay na ganito tayo.", siya yung unang nagsalita at hindi ko alam kung ano yung isasagot ko, "Ano? No comment? Are you still mad?", tanong niya sa'kin na parang walang nangyari.
"Alam mo? Naguguluhan na 'ko sayo. Bigla ka na lang magagalit sa'kin tapos ako yung tatanungin mo kung galit ako sayo?", naiirita na 'ko kahit ayokong maramdaman 'to.
Nagulat siya sa'kin nung nasungitan ko siya.
"Kasalanan mo rin naman kasi kung bakit.", ako pa talaga yung nasisi?
"Ako? Kasalanan ko? Bakit? Kasalanan ba na kaibigan lang yung turing ko sayo? Hindi mo matanggap kasi may gusto ka sa'kin?", prangkahan na 'to.
"What are you talking about? Are you out of your mind?", nagagawa pa niyang matawa ngayon?
"Are 'YOU' out of your mind? Alam ko na, Joy. Alam ko na, na may gusto ka sa'kin. Pero ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo na kung ano man yung nararamdaman mo para sa'kin, itigil mo na. Alam mong mali 'yan. May boyfriend na 'ko at hindi mo na mababago 'yon.", wala na 'kong pakielam kung magtampo na siya ng tuluyan kasi napapagod na 'ko sa kaniya.
"Sinong nagsabi sayo niyan? Si John ba? Nakikinig ka sa baliw na 'yon? Psh!", napatingin ako sa kaniya nung narinig ko si John.
"So, kilala mo nga si John? Syempre, makakalimutan mo ba yung ex-boyfriend mo na pinagtangkaan mo dahil hindi ka niya gusto?", di ine-expect ni Joy mula sa'kin yung mga narinig niya.
Biglang nag-iba yung aura niya bago siya lumingon sa'kin.
"Wala kang alam sa past ko. Naniwala ka naman agad sa kaniya? Lahat ng mga sinabi niya sayo, puro kasinungalingan lang lahat. Kung pinakita niya yung mga peklat niya, hindi ako yung may gawa 'non. He's a psycho. Sinubukan namin siyang dalhin sa mental. Sinaktan niya yung sarili niya nung nakipaghiwalay ako sa kaniya at ngayon, bumabalik siya para siraan ako sayo. Nakatakas pala siya?", kwento niya sa'kin tsaka niya binalik sa harap yung tingin niya.
"Siguro nga, wala akong alam sa past mo. Hindi pa nga siguro kita totoong kilala. Hindi ko rin alam kung nagsasabi ka pa ng totoo. Hindi na kita kilala, Joy. You're not the 'Joy' I used to know.", di ko na mapigil yung disappointment na nararamdaman ko kaya nasusungitan ko na siya.
"Fine. Basta ako, wala akong tinatago sayo. Nagsasabi ako ng totoo. Ang tagal na nating magkaibigan, Taehyung. Kahit kailan hindi ako nagsinungaling sayo. Maybe, naglihim ako ng past ko pero hindi na 'yon mahalaga ngayon dahil past life ko na 'yon. Tapos, dahil lang sa isang tao na hindi mo kilala, maniniwala ka na agad?", siya pa ngayon yung nagagalit sa'kin.
"Kasi hindi na kita naiintindihan. Ayaw mo ng salitang kaibigan diba? Ayaw mong tinatawag kitang friend? So anong gusto mo?", diretsahan na yung mga tanong ko sa kaniya pero hindi nasagot yung tanong ko.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...