Chapter 8

328 14 0
                                    

Sinubukan kong mag-stalk sa Facebook ni Jungkook.

Ang dami kong nahagilap na mga pictures.

May nakita rin ako na naka-tag kay Jungkook galing sa account ni Sana.

Habang inii-stalk ko yung account niya, biglang bumukas yung pinto.

Naka-inom na naman si Jungkook.

Natatakot akong lapitan siya dahil baka magwala na naman siya?

Bigla siyang napatingin sa'kin.

"You're still here?", tanong niya sabay turo sa'kin.

Lumapit siya ng lumapit sa'kin habang pagewang-gewang na naglalakad.

Kinakabahan ako.

Baka bigla na naman niya 'kong sigawan.

"Akala ko.. aalis ka na.. talaga? Iniwan na.. nila 'ko. Lahat sila! Ikaw na lang.. natitira sa'kin. P-please? Don't.. leave me.", pagmamakaawa niya habang umiiyak siya.

Bigla na lang niya 'kong niyakap.

"T-tulong?", pagtawag ko kina Seokjin.

Lumabas silang lahat galing sa kwarto.

Inalalayan nila si Jungkook dahil lasing na naman.

"Ganito talaga siya pag nalalasing. Kung sino-sino yung niyayakap.", sabi ni Jimin habang napapailing.

Pinasok na nila sa kwarto si Jungkook.

Sa pwesto muna siya ni Jimin nakahiga para hindi na siya umakyat sa taas, sa pwesto niya sa double-deck.

Sa nakita ko sa mga pictures nila ni Sana na magkasama, parang ang saya-saya naman nila.

Pero bakit bigla na lang naging ganito si Jungkook?

Na saan ba si Sana?

Ano ba yan?!

Naiintriga na naman ako!

•~•

Paggising ko, nagulat ako kasi katabi ko na si Jungkook.

Magkaharap yung mga mukha namin.

Konting tulak na lang, tutuka na!

"Uy?! Gising! Jungkook?!", paggising ko sa kaniya.

Bigla niya 'kong niyakap.

"Wag mo nga 'kong mayakap-yakap?! Abusado ka na ah?!", pilit kong inaalis yung pagkakayakap niya sa'kin.

Paggising niya, napansin niya na magkatabi kami pero parang wala lang sa kaniya.

Bakit ko ba kasi katabi 'to?

Ang dami-daming pwedeng tabihan tapos ako pa?

"Bakit ka ba nandito?!", irita kong tanong sa kaniya.

"What do you mean kung bakit ako nandito? Hindi ba dapat ako yung nagtatanong niyan? Mas nauna ako sayo dito.", inaantok pa yung boses niya.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon