(tw // violence)
Ilang oras din akong nakatulog at katabi ko si Jungkook na nakayakap pa sa'kin.
Ginising lang kami ng Tito niya dahil sa oras ng flight namin.
"Love? Ayos na ba yung mga gamit mo?", tanong sa'kin ni Jungkook dahil ngayon na yung flight namin pauwi ng Pilipinas.
"Yeah. Okay na.", sagot ko habang nakatingin sa mga libro na kakapublish lang namin nung mga ilang araw.
Napangiti ako habang hawak ko yung mga libro ko.
"Salamat sa inyo. Sa tingin ko, oras na para magpaalam sa pagiging isang author.", naiiyak na paalam ko habang nakatingin ako sa kanila.
Niyakap ko sila at nilagay sa bag ko.
"Naghihintay na yung mama at Ate mo sa pagbabalik mo sa Pinas. Mas maganda kung magstay ka muna 'don bago ka bumalik ulit dito. Pahupain mo muna yung issue. Lilipas din 'yan.", daldal ni Jimin sa'kin.
"Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang bumalik ulit dito?", parang ayoko na rin?
Bigla akong nilapitan ni Jungkook at hinawakan yung mukha ko.
"Kailangan mong ipagpatuloy yung pagiging author, Love. Ayokong masira yung pangarap mo ng dahil lang sa'kin at sa mga issue na binabato sayo ngayon. Wag kang magpa-apekto, ha? Nandito lang kami sa likod mo. Hindi ka namin iiwan. Don't give up.", pagmo-motivate niya sa'kin tsaka ako nagnod.
"Salamat sa concern, Kookie. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Bukod kay Mama, Ate at Dahyun, may isa pang dumagdag sa mga nagpapalakas ng loob ko.", malambing na sagot ko.
Tinulungan ako ni Jimin at Jungkook na dalhin yung mga gamit ko hanggang makarating kami sa airport.
Habang hinahanap namin ni Jungkook yung seat namin sa eroplano, biglang may babaeng nakabangga sa'kin.
Nakamask siya at sunglasses.
Shoulder length na black at nakalugay yung buhok.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
Parang may hindi tama?
"Baby bear? Are you okay?", tanong sa'kin ni Jungkook.
"Y-yes.. I'm okay.", pero hindi.
Sinundan ko ng tingin yung babaeng umupo malapit lang sa uupuan namin.
Bakit parang iba yung kutob ko?
Hindi maganda yung nararamdaman ko bukod sa mga taong pinagtitinginan kami ni Jungkook ngayon.
Sinubukan ko na lang magrelax habang katabi si Jungkook.
Pumikit na lang ako at sinubukan kong matulog.
Mahaba-habang biyahe pa naman kaya matutulog muna 'ko.
"Place your head on my shoulder if you want?", alok ni Jungkook sa'kin.
"Thank you.", sinandal ko sa balikat niya yung ulo ko para matulog.
•~•
Pagdating na pagdating namin sa Pilipinas, hinatid ako ni Jungkook sa bahay para makasigurado daw siya na safe na safe ako.
"Taehyung, anak?!", nag-aalalang bungad sa'kin ni Mama pagkarating ko sa bahay tsaka niya 'ko niyakap.
"Mama?", niyakap ko rin siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...