"Love? 'Just Dance' tayo?", pagyaya sa'kin ni Taehyung.
"Hindi ako sumasayaw.", malambing na sagot ko sa kaniya.
"Sige na? Hindi rin naman ako sumasayaw eh. Please?", pagmamakaawa niya sa'kin at hinawakan yung dalawang kamay ko.
"Sorry, Love. Nahihiya ako. Next time na lang siguro?", di kasi talaga ako marunong sumayaw.
Bigla siyang ngumiti.
"Okay lang. Sige, kaming dalawa na lang ni Joy.", mukha namang hindi siya galit.
Iniwan na niya 'kong nakaupo malapit sa pwesto ng Just Dance.
Pinapanood ko lang sila habang hinihintay silang matapos.
Pagkatapos nilang sumayaw, lalapitan ko sana si Taehyung pero bigla siyang hinabol ni Joy at pinunasan siya ng pawis.
"Wag na, Ligaya. May panyo ako. Salamat.", biglang sabi ni Taehyung nung nakita niya na nakatingin ako sa kanila.
Tumakbo papunta sa'kin si Taehyung.
"Pawis na pawis ka na?", ako yung nagpunas ng pawis niya sa mukha hanggang leeg.
Napatingin siya sa'kin na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
"T-thanks.", sagot niya sa'kin na may halong kaba.
"Are you okay, my Love? You look so bothered.", halata kasi siya.
"Ikaw? Are you okay? Para kasing.. hindi ka comfortable?", kaya naman pala parang hindi siya okay kasi ako yung inaalala niya.
Pinatalikod ko siya sa'kin pa punasan yung pawis niya.
"I'm okay. Makita ko lang na happy ka and you're enjoying, okay na 'ko 'don. Don't mind me. Sulitin mo yung oras mo.", mahinahon kong response.
Pagtapos ko siyang punasan, nginitian niya 'ko tsaka niya kinurot yung ilong ko.
"Ligaya? Ano? Isa pa?", masayang tanong ni Taehyung kay Joy paglingon niya 'don.
"Sure! Tara?", tuwang-tuwa naman si Joy.
Tumakbo si Taehyung papunta kay Joy at naiwan na naman akong mag-isa.
Umalis muna 'ko sandali at naghanap ng CR.
Bakit ganon?
Pakiramdam ko, may hindi sinasabi si Taehyung sa'kin?
Pakiramdam ko, parang nagtataksil siya?
Ayoko sanang maramdaman 'to, pero hindi ko maiwasan na hindi magselos.
•~•
Paglabas ko ng CR, nakita ko si Taehyung na mukhang may hinahanap.
"Love? Are you looking for someone?", tanong ko sa kaniya kaya bigla siyang napalingon sa likod.
"Nandiyan ka lang pala? Hinahanap kita. Saan ka nagpunta? Bakit bigla kang umalis? Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka pala.", he appears to be worried.
"Mukhang busy ka kasi kasama si Joy. Ayoko kayong maistorbo.", di ko na mapigil yung totoong nararamdaman ko.
"Nagseselos ka ba?", ngayon niya lang napansin.
"Bakit iniwan mo siyang mag-isa sa loob? Bumalik ka na 'don. Naghihintay siya sayo.", calm lang ako pero selos na selos na 'ko kanina pa.
Lumapit sa'kin si Taehyung at hinawakan yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...