Jungkook's POV:
I can't believe this.
Siya lang yung tao na kayang gawin 'to sa'kin.
He's so brave, huh?
Susubukan ko kung hanggang kailan niya makakaya lahat ng gagawin ko sa kaniya.
Try me, Taehyung.
Saturday ngayon at lahat kami nasa dorm.
Nanonood ng TV, nagbabasa ng mga books sa mini library, naglalaro ng Xbox at nagla-laptop.
Si Taehyung, umaasa lang sa WiFi at sa phone lang siya nakakapagbukas ng Facebook.
Siya lang naman yung gumagamit ng WiFi kaya bigla kong pinatay.
May mga sariling pocket wifi sina Jimin kaya walang problema.
"Bakit walang signal yung WiFi?", tanong ni Taehyung paglabas niya sa kwarto.
Ako lang yung nasa sala at nanonood ng TV kaya ako lang yung kausap niya.
"Jungkook? Bakit walang signal?", tanong niya ulit pero di ko siya pinapansin.
Bigla niyang nakita na nakapatay yung WiFi kaya lumapit siya para buksan, pero tumayo agad ako para pigilan siya.
"Ikaw yung nagpatay? Hindi mo ba alam na ka-video call ko si Mama?", ramdam ko na yung inis niya.
"Who cares?", sagot ko habang nakangisi.
Kukunin sana niya yung modem ng WiFi pero inagaw ko.
"Akin na 'yan! Kinakausap ko si Mama! Ano ba?!", naiirita na siya sa'kin kaya natutuwa ako.
Tinataas ko yung modem para hindi niya maabot sa mga kamay ko.
"Akin na kasi!", inis niyang reklamo habang nakikipag-agawan sa'kin.
"Edi ayan?", hinulog ko yung modem para masira.
"Ano bang problema mo?!", ngayon lang niya 'ko nasigawan sa galit.
Nagwalk-out siya papasok sa kwarto.
Ang dali mo lang palang inisin?
Bibigay ka rin.
Biglang napalabas sa Gaming Room si Yoongi.
"Ano na namang ginawa mo? Di ka pa ba titigil? Natutuwa ka ba talaga? Sa tingin mo may mapapala ka sa pambubully sa kaniya?", wala sa mood na tanong niya.
"Yes. Natutuwa ako sa tuwing nabubully ko siya. I feel very satisfied everytime I annoy him.", seryoso ako sa sagot ko.
"You're so childish, Jungkook. Be mature, please? Babalik din sayo lahat ng ginagawa mo. Ang bait-bait ng tao tapos tinatarantado mo lang?", banas na sagot ni Yoongi bago bumalik sa loob ng Gaming Room.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...