Dalawang araw na mula ng masalinan ng dugo si Jungkook pero hindi pa rin siya nagigising.
Dalawang araw na rin siyang nandito sa loob ng CCU at hindi pa nililipat ng kwarto kasi hindi pa raw stable yung lagay niya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.
"Ang tagal naman niyang magising?", malungkot na tanong ni Jimin.
"Miss mo na ba yung kademonyohan niya?", seryoso ba si Namjoon sa tanong niya?
"Kahit paano, nakakamiss yung pagiging sadista niya.", daldal ni Hoseok.
"Wag kayong masyadong maingay. Natutulog si Yoongi.", pabirong sabi ni Seokjin.
"Lagi namang tulog 'yan e. Favorite place niya sa kama. Panay tulog. Ang tamad-tamad pa.", sabat ni Namjoon.
"Tangina niyo? Akala niyo hindi ko kayo naririnig? Kung pag-usapan niyo 'ko parang wala ako dito ah?", sagot ni Yoongi dahil hindi pa pala talaga siya nakakatulog.
"Gising ka pa pala?", tanong ni Jimin.
"Oo. Dahil hindi ako makatulog sa ingay ng mga bunganga niyo.", iritang-irita si Yoongi sa kanila.
"Wag ka nang matulog. Kahit naman anong tulog mo hindi ka na tatangkad. Sagad na yang height mo kaya wag ka ng umasa.", lakas din mang-asar ni Namjoon eh.
"Matangkad ka lang! Mas gwapo ako sayo, tandaan mo 'yan!", banas na sagot ni Yoongi.
"Okay!", di na siya nakarebut kaya umoo na lang siya.
Habang nagkukulitan yung dalawa, may narinig ako na nagsalita.
"S-Sana..", napakahinang sabi ni Jungkook.
"Gising na siya!", masayang sabi ni Jimin.
Lumapit kaming lahat kay Jungkook.
"Bro? Naririnig mo ba 'ko? Wag kang sasama sa liwanag ha?", nag-aalalang sabi ni Hoseok kay Jungkook kaya napa-irap si Yoongi.
"Parang gago?", iritang sabi ni Yoongi kay Hoseok sabay hampas sa likod.
"Makahampas ka naman?! Ang bigat ng kamay mo ah?!", hinihimas ni Hoseok yung likod niya sa hapdi ng hampas ni Yoongi.
Dumilat na rin si Jungkook sa wakas!
"Jungkook? Ayos ka na ba? Maayos na ba yung pakiramdam mo?", nag-aalalang tanong ni Seokjin.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...