Chapter 12

319 15 0
                                    

Kinabukasan, nagbihis kami ni Taehyung para bumisita sa mom niya sa hospital.

"Saan kayo pupunta ni Taehyung?", tanong ni Yoongi sa'kin.

"Sasamahan ko siya. Nasa hospital yung Mama niya.", response ko.

"Sama kami? Gusto rin naming makita yung nanay niya.", pangungulit ni Hoseok.

"Wag na. Manahimik na lang kayo dito sa dorm.", irita kong sagot.

"Bakit? Sosolohin mo si Taehyung?", natatawang biro ni Jimin.

"What do you mean na sosolohin ko siya? Look? Magulo kasi kayong masyado. Nakakahiya sa nanay niya na makita niyang may mga abnormal siyang kaibigan, kaya utang na loob, dito na lang kayo.", inis na sagot ko.

"Hindi naman kami manggugulo eh. Gusto lang namin makita yung Mama niya.", di talaga matigil si Jimin.

"Oo nga.", isa din 'tomg si Hoseok.

Paglabas ni Taehyung galing sa kwarto tsaka bigla siyang nagsalita.

"Oo nga naman, Jungkook? Bakit hindi mo sila pasamahin? Gusto rin silang makita ni Mama.", sabi ni Taehyung sa'kin habang nagsusuklay ng buhok.

Paglingon ko kina Jimin, nakita kong nagpapaawa sila na nagpapacute.

"Oo na. Kapag kayo nanggulo, I will abandon all of you.", pagpayag ko pero may inis pa rin.

"Yehey!", sabay-sabay na sabi nina Jimin, Hoseok, Namjoon at Yoongi habang si Seokjin napapailing na lang.

"Calm down! What the hell? Para kayong mga uncivilized people?", saway ko.

Lumabas na kami sa school para puntahan yung nanay ni Taehyung sa hospital.

•~•


Pagdating namin sa hospital sa kwarto ng nanay ni Taehyung, tuwang-tuwa siya nang makita niya yung nanay niya.

"Ma?! Kumusta ka na po?! Okay ka na ba?!", naiiyak na tanong ni Taehyung tsaka siya nagmano.

"Okay na 'ko, anak. Konting pahinga na lang tapos makakalabas na 'ko.", nakangiting sagot ng nanay niya.

Ang swerte ni Taehyung kasi meron pa siyang nanay na magmamahal at nagmamahal sa kaniya ng buong-buo.

Ako, may nanay nga pero wala namang kwenta.

Biglang tumingin sa'min yung nanay ni Taehyung.

"Taehyung? Sino sila? Kaklase mo?", tanong ng nanay niya sa kaniya.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon