Sequel - Chapter 1

339 13 0
                                    

Taehyung's POV:

3 months na rin yung nakakalipas mula nung bumalik ako dito sa Pilipinas.

Nakakapanibago lang kasi dati, magkaaway tsaka magkaibigan lang kami ni Jungkook, tapos ngayon boyfriend ko na siya.

Mula ng bumalik ako dito, sinagot ko na siya kahit hindi pa siya nanliligaw sa'kin.

Ano? Choosy pa ba?

Doon din naman mapupunta 'yun kaya 'di na 'ko nagpabebe.

Tanggap naman nina ate at Mama yung relasyon namin.

Masaya pa nga sila para sa'kin eh.

Masaya rin ako na nahanap na ni ate yung totoong magpapasaya sa kaniya.

Si Seokjin.

Isang taon palang nanligaw sa kaniya habang wala ako.

Successful author na pala ako ngayon .

May dalawang achievements ako na nakuha sa America.

Yung ginawa kong 'Our Love on a Spring Day' na napublish at ginawan siya ng movie sa Hollywood.

Nakakaproud na lahat ng pinaghirapan ko, may napuntahan.

Syempre, isa rin sa mga inspirasyon ko si Jungkook.

Gusto ko na pagbalik ko dito, may ipagmamalaki ako sa kaniya.

Na hindi useless yung pag-alis ko.

"Love?", malambing na pagtawag sa'kin ni Jungkook habang nagla-laptop ako at habang gumagawa ng panibago kong story.

Binisita niya 'ko dito sa bago naming bahay dito sa QC.

Lumipat na kami at dito ko napili na magpagawa ng bago naming bahay.

Wala sina Mama at Ate kaya malaya siyang nangungulit sa'kin.

"Bakit? May kailangan ka ba?", malambing kong response.

Bigla akong nakatanggap ng back hug galing sa kaniya at pinatong niya yung baba niya sa balikat ko.

"Busy ka na naman diyan? Baka naman lumabo na yang mata mo sa kakalaptop mo? Sige ka, hindi mo na makikita 'tong kagwapuhan ng boyfriend mo. Kaninang umaga pa nakababad yung mata mo diyan sa laptop mo. Uso po magpahinga.", ang lambing ng boses niya tsaka niya hinalikan yung pisngi ko.

"Wow? Nawala lang ako ng ilang taon nagkaganiyan ka na, Jeon Jungkook? Ganiyan ba naging epekto ng pagkawala ko?", biniro-biro ko pa siya habang nakatutok pa rin ako sa pagla-laptop.

"Bakit? Hindi ba 'ko gwapo? Kung hindi ako gwapo, bakit mo 'ko nagustuhan?", anong klaseng tanong 'yan?

Huminto ako sa pagla-laptop at lumingon sa kaniya.

Sobrang magkalapit na ng mukha naming dalawa.

"Hindi kita minahal dahil sa itsura mo. Oo, gwapo ka, pero mas nagustuhan kita at mas minahal kita dahil diyan.", sagot ko at tinuro ko yung puso niya.

Ngumiti siya sa'kin at mas nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko hanggang sa magkadikit na yung mga ilong namin.

Akala ko hahalikan niya 'ko sa labi pero hindi.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon