Taehyung's POV:
Nagtatrabaho ako sa isang fast-food chain para sa bill ni Mama sa hospital, pero hindi alam nina Mama na nagtatrabaho ako.
Si ate Jisoo lang yung nakakaalam.
Konting ipon na lang, mababayaran na namin ni ate ng buo yung hospital bill.
Habang nagse-serve ako ng pagkain sa mga costumers, may napansin akong babae na nakawheelchair.
Naka bonnet siya na kulay white at mukhang may malala siyang sakit.
Lumapit ako sa kanila para ibigay yung inorder nila.
"Here's your order, ma'am.", nakangiti kong bungad sa kanila.
Pagharap sa'kin ng nakawheelchair, nagulat ako sa nakita ko.
Namamalikmata lang ba 'ko?
Si Sana ba 'to o kamukha niya lang?
Baka kamukha lang niya?
"Uh.. sir? Okay ka lang po ba?", tanong sa'kin ng babaeng nakawheelchair.
Napailing ako at bumalik sa tama kong pag-iisip.
"O-opo. Okay lang po ako.", nauutal na sagot ko at umalis na 'ko para bumalik sa trabaho ko.
•~•
"Taehyung? May tumapon na coke sa sahig! Bilisan mo! Punasan mo agad!", utos ng boss ko sa'kin habang naghuhugas ako ng plato.Kumuha agad ako ng basahan para punasan yung tumapon na coke sa sahig.
Pagpunta ko sa pinagpwestuhan ng nakawheelchair kanina, wala na sila.
Habang pinupunasan ko yung sahig, may lalaking pumunta sa harapan ko.
Hindi ko mapansin kung sino siya dahil busy ako sa ginagawa ko.
"So ito pala yung pinagkakaabalahan mo?", tanong sa'kin ng lalaking nakatayo.
Pamilyar yung boses niya sa'kin kaya dahan-dahan akong napatingala.
"J-Jungkook? Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na-", naudlot na tanong ko.
"Wag ka nang maraming tanong. Umuwi na tayo.", seryoso siya sa sinasabi niya.
Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako patayo.
"Ibalik mo na 'yang basahan na hawak mo. Uuwi na tayo.", pagpipilit niya sa'kin pero hindi ko siya masunod.
"Hindi pwede. Umuwi ka na.", oras kasi ng trabaho ko.
"Halika na.", hinihila na niya 'ko pero hindi ako sumasama.
"Hindi nga pwede. Naiintindihan mo ba?", mahinahon kong sagot.
"Napapabayaan mo na yung sarili mo dahil dito sa lintik na trabaho na 'to.", di ko alam kung saan nanggagaling yung galit niya sabay agaw sa hawak kong basahan at hinagis lang niya kung saan.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...