Isang buwan 'yung nakakalipas mula nang umalis si Taehyung.
Umuwi na rin ako sa bahay kasama sina Seokjin.
Hindi pa rin mawala yung lungkot ko dahil sa pag-alis niya.
"Namimiss ko na siya.", sabi ko kay Jimin habang hawak ko yung snow globe.
"Lahat naman tayo namimiss siya eh.", ramdam ko din yung lungkot niya.
Hindi ko magawang ngumiti.
Wala na yung dahilan para ngumiti pa 'ko ulit.
"Jungkook? May bisita ka. Sana handa kang harapin siya?", nakangiting bungad sa'kin ni Seokjin galing sa labas ng kwarto.
Si Taehyung?!
Nagmadali akong pumunta sa pintuan para salubungin siya, pero nagkamali ako.
"Mama? Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kaniya at nagulat ako kasi kasama niya yung kabit niya, "Talagang sinama mo yung kabit mo?!", galit na bungad ko.
"Anak, makinig ka muna", kabang-kaba si Mama na harapin ako.
Naalala ko yung sabi ni Taehyung sa'kin.
"Pakinggan mo muna yung paliwanag ng Mama mo. Malay mo may tamang rason siya kung bakit gusto ka niyang makausap?"
Jungkook, relax.
"Sige, magpaliwanag ka.", mahinahon kong sagot.
"Anak, hindi ko kabit yung kasama ko ngayon. Tito mo siya. Kapatid ko siya sa Lola Ji Eun mo. Hindi totoo lahat ng mga sinasabi ng Papa mo sayo. Sinisiraan niya lang ako sayo para magalit ka sa'kin. Anak? Gusto ka niyang ilayo sa'kin. Sa totoo lang, siya yung may kabit at hindi ako.", paliwanag ni Mama na pinapakinggan ko lang.
"T-totoo po ba yang sinasabi niyo? Paano po ako maniniwala?", may trust issue na kasi ako sa kaniya.
Nilabas niya yung phone niya.
May pinakita siya galing sa inbox niya.
Mga text messages ni Papa.
Papa: Hindi ka naman paniniwalaan ni Jungkook kahit sabihin mo sa kaniya lahat ng mga nakita mo. Kahit iharap mo pa sa kaniya lahat ng kabit ko, hindi siya maniniwala sayo.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fiksi Penggemara filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...